GSF RAVEN SIKARAN BEST BEAT PASIKLAB SA TANAY RAP SONG COMPETITION

HINDI lang pang- sports, rapper pa! Sila ang mga piling pambato ng GSF Raven Sikaran martial artists sa kanilang pagpapakitang - gilas sa ginanap na Rap musical contest sa Tanay, Rizal nitòng weekend.

SPORTS

Danny Simon

2/16/20252 min read

HINDI lang pang- sports, rapper pa! Sila ang mga piling pambato ng GSF Raven Sikaran martial artists sa kanilang pagpapakitang - gilas sa ginanap na Rap musical contest sa Tanay, Rizal nitòng weekend.

Ang naturang tanyag na grupo ng Traditional Sports Sikaran ay ibinuhos ang kanilang talento di lamang sa larangan ng martial arts kundi pati sa musiķa partikular ang in ngayon sa mga kabataan na rap music beat na nagpasiklab sa rap contest sa Tanay,Rizal sa paanyaya ng mga organisador ng Rap Singing Contest sa bayang pinakasikat ang sport na sikaran. (Rapping is an artistic form of vocal delivery and emotive expression that incorporate rhyme and rhythmic speech and commonly street vernacular.It is usually performed over a backing beat or musical accompaniment).

"Isang napakalaking karangalan na maimbitahan lalo na sa isang patimpalak at challenging Rap Singing Contest dahil mundo ito ng magagaling at talentadong mga rap singer at karangalan din namin na mapakinggan nila ang bagong rap song ng GSF Raven Sikaran Tanay na kinanta at binuo ng isa sa kanilang miembro na si Bigbang Veloria", sambit ni Master Crisanto Cuevas-pinuno ng GSF Raven Sìkaran Tanay at secretary general ng Global Sikaran Foundation, nakabase sa Estados Unidos na itinatag naman ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag .

"Salamat sa lahat ng GSF Raven Sikaran Tanay at umasa kayo napatuloy namin itataas at palalaganapin ang Traditional Sports na Sikaran sa Tanay at sa ibang panig ng Pilipinas". ani pa Cuevas na optimistikong kikilalanin na ng Philippine Olympic Committee( POC)na punamumunuan ni President (Cong.) Abraham "Bambol" Tolentino at government sports agencý na Philippine Sports Commission (PSC) ang pagiging National Sports Association (NSA) nito sa lalong madaling panahon.