GSF RAVEN TANAY SIKARAN, DI LANG PANG-SPORTS, PANG- KALIKASAN PA!
BILANG pagtugon sa adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, kabilang ang grupo ng GSF Raven Sikaran sa nangunang sumuporta sa proyektong pang-kalikasan ng gobyerno nito na àng mamamayan ang tunay na makikinabang sa hinaharap.
SPORTS
Danny Simon
6/23/20251 min read


BILANG pagtugon sa adbokasiya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, kabilang ang grupo ng GSF Raven Sikaran sa nangunang sumuporta sa proyektong pang-kalikasan ng gobyerno nito na àng mamamayan ang tunay na makikinabang sa hinaharap.
Nakiisa ang naturang bantog na traditional sports group na GSF Raven Tanay Sikaran sa pamumuno ni Founder/ Master Crisanto Cuevas sa noble project ni Rizal Governor Nina Ynares na 'Stride for Nature Planting Trees, Sustaining Tomorrow' sa pamamagitan ng Ynares Eco System (YES) sa pakikipagtulungan ng Reforest the Mountain of Tanay (RMT).


"Tanay Sikaran Martial Arts enjoyed the tree planting project.Isa ito sa advocacy ko sa larangan ng martial arts, ang tumulong sa komunidad at kalikasan, " pahayag ni Master Cuevas kasabay ng pasasalamat niito sa kanyang Sikaran officer na si Sec.Nicole Catolos,PBB Donna Cuevas Bartis, PBB Melanie Reyes, PBB Winnie Jose,PBB Jebigail Custodio, Instructor Sannoel Custodio, Instuctor Jonel Catolos at students na sina Wyne Custodio at Angeluz Jose.
Kaagapay din sa makabuluhang adhikain ang LGU ng bayan ng Tanay sa pamumuno ni Mayor Rex Manuel Tanjuatco at sports enthusiast/ public servant Councilor Roger Catolos.
Ang GSF Raven Tanay Sikaran ay tinanghal na kampeong pangkalahatan sa idinaos na National Sikaran Championship 2025 kamakailan sa Kalibo, Aklan na suportado ni Tanay Mayor RM Tanjuatco and Council gayundin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato