GSF Sikaran National tourney 2023...WILDCAT PASIG KAMPEON, RAVEN PASIKLAB, MASBATE UMEKSENA

KINOPO ng Wildcat Pasig Sikaran ang overall championship habang nagpasiklab naman ang Raven at nanggulat ang dayuhang tropang Sikaran mula Masbate sa sumikad na Global Sikaran Federation (GSF) National Tournament 2023 sa Villa Gloria Gym ng Bgy. Pinagbuhatan sa Pasig City.

SPORTS

Danny Simon

12/10/20231 min read

KINOPO ng Wildcat Pasig Sikaran ang overall championship habang nagpasiklab naman ang Raven at nanggulat ang dayuhang tropang Sikaran mula Masbate sa sumikad na Global Sikaran Federation (GSF) National Tournament 2023 sa Villa Gloria Gym ng Bgy. Pinagbuhatan sa Pasig City.

Humakot ng medalya ang host Wildcat ni Master German Patingo sa halos lahat ng category ng torneong inorganisa ni founder/ president ng GSF na si US-based Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag kaagapay din si Master Crisanto Cuevas (GSF secgen) ng Raven Sikaran Tanay/ California.

National tournament champion ang Wildcat Sikaran Pasig. (kuha ni Menchie Salazar)

Runner-up ang Raven Sikaran Tanay.( kuha ni Menche Salazar)

Pasiklab din ang tropang RavenSikaran ni Master Cuevas na umani rin ng ginto - pilak - tanso sa torneong suportado rin ng Pasig LGU's st sinusubaybayan ng International Council for Traditional Sports and Games ICTSG sa pangunguna nina Japanese Baba Yuko at Tetsuya Tsuda.

Alam ng Masbate ang bigat ng kumpetisyon at ang mga Sikaran athletes mula Rizal ang itinuturing na powerhouse sa larangan pero markado ang kanilang pagdayo dahil ang kanilang 2 pambato ay nag- uwi rin ng 2 ginto sa Masbate.

" Nagpupugay ang inyong lingkod at ating kinikilala at binabati ang mga tumulong, nangasiwa at lumahok sa ating prestihiyosong kaganapang tiyak na lalawig pa at ihu-host na ng ating mga ka-sikaran sa buong kapuluan," Mabuhay kayo diyan sa Pilipinas at dito sa Estados Unidos", wika ni GM Osias Banaag sa panayam.

GSF founder / president GM Hari Osias Catolos Banaag