Guardians , CLR45 at Gilas Outreach Program sa Pangasinan, Matagumpay!

HUMUGOS ang mga residente ng Bgy. Pacalat sa kanilang auditorium upang mabiyayaan sa ikinasang outreach program sa kanayunan ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI) at Central Luzon Region ( CLR) 45 ng The Fraternal Order of Eagles ( TFOE) - PhilippineEagles kaagapay ang Gilas News Network nitong nakaraang weekend sa Mangatarem, Pangasinan.

NEWS

Danny Simon

12/18/20233 min read

HUMUGOS ang mga residente ng Bgy. Pacalat sa kanilang auditorium upang mabiyayaan sa ikinasang outreach program sa kanayunan ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI) at Central Luzon Region ( CLR) 45 ng The Fraternal Order of Eagles ( TFOE) - PhilippineEagles kaagapay ang Gilas News Network nitong nakaraang weekend sa Mangatarem, Pangasinan.

Pinangunahan ang makabuluhan at makataong programang laan para sa countryside ni GIBFI chairman/ CLR 45 Governor at Gilas News Network top brass Rafael Agcaoili ang Medical Mission / Feeding Program at side event na Gilas Arts Clinic na nai- conduct ni Editor- in - Chief Dani Simon( sumulat nito) para sa mga talented young artists ng barangay Pacalat.

Full force ang partisipasyon ng Eagles club presidents, Aspirants at Lady Eagles upang maging sistematiko ang pamamahagi ng mga libreng gamot, konsulta sa doktor ng bayan na libre magmula sa mga bata , kabataan, adults hanggang senior citizens sa ulat naman ni CLR45 Vice Governor Edwin Salve.

Labis namang ikinagalak ng Pinuno ng Bgy. Pacalat na si Kapitan Wilfredo Agatep, Jr.at ang dumalo sa maghapong kaganapang si Vice Mayor Michael Punzal ang matagumpay na kaganapan at nagpahatid rin ng taos- pusong pasasalamat sa idinaos na outreach program sa kanilang balwarte dahil sa napaglingkurang constutuents ni Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla.

Chairman/Governor Rafael Agcaoili. (kuha ni Aspirant Raul Garcia)

Ang doktor ng bayan habang nagko-conduct ng libreng check-up sa Bgy. Pacalat. (kuha ni Ate Fahamia Hatab)

Napuno ang venue ng mga nagpa-konsulta at nabiyayaan ng libreng gamot. (kuha ni Aspirant Raul Garcia)

Free Gilas Arts Clinic for Bgy.Pacalat young artists.( kuha ni Aspirant Kuya Bong Vergara)

Naipamahagi ni WPF United Nations Humanitarian Ambassador Agcaoili ang mga pangunahing gamot na suportang libre ng kanyang kumpanyang Raedang International Builder and Developer Corp. na nakabase sa Sucat, Paranaque City, Metro Manila kaya't buong- puso naman ang pasasalamat ng lahat ng taga - Barangay Pacalat na pampinaleng lunan ng outreach program ng civic group ni Agcaoili sa taong 2023.

Kamakailan ay nabiyayaan din ng katulad na programa ang San Enrique at Passi City sa Iloilo, Talisay City sa Negros Occidental at ang mga naging biktima ng lindol sa lalawigan ng Abra sa Region 1.

" Mission accomplished.

Tunay na nakakagaan ng loob ang makatulong sa ating mga kababayan ng ating programang taos -puso , para sa tao nang walang anumang hangad na kabayaran o kapalit.Maraming salamat sa lahat ng tumulong boluntaryo mula sa ating kuyas at mga ate, local government units dito sa Bgy Pacalat ng bayan ng Mangatarem lalawigan ng Pangasinan dahil sa matagumpay at sistematikong pagdaraos ng ating adbokasiya. 'Til next mission..To God Be The Glory!" , emosyonal na pahayag ni Chairman/ Gov.Agcaoili.

Habang namamahagi ng libreng gamot ang team Agcaoili sa mga adults ay namigay na rin ng aginaldo si Chairman/ Gov.Rafael Agcaoili sa mga batang Pacalat.( kuha ni Aspirant Bong Vergara)