GUARDIANS, RAEDANG & CLR 45 MEDICAL MISSION / FEEDING PROGRAM SA MANGATAREM, PANGASINAN
ISA na namang makabuluhan at makataong outreach program ang isusulong ng bantog na civic leader sa bansa.
NEWS
Danny Simon
12/12/20232 min read


ISA na namang makabuluhan at makataong outreach program ang isusulong ng bantog na civic leader sa bansa.
Mapalad ang mga taga-Bgy Pacalat sa Mangatarem, Pangasinan bilang susunod na resipiyente ng proyektong pang-sibiko ng GIBFI / Raedang / CLR 45 na MEDICAL MISSION at FEEDING PROGRAM sa Disyembre 16, 2023.
Sa pagsisikap ng World Philosophical Forum Humanitarian awardee , Guardians International Brotherhood Foundation, Inc.( GIBFI) chairman, Raedang International Builder and Developer Corp. (RIBDC) top brass at The Fraternal Order of Eagles ( TFOE) Inc. Central Luzon Region (CLR) 45 Governor Rafael Agcaoili, libong pamilya ang mapaglilingkuran sa pamamagitan ng libreng konsulta at pamimigay ng gamot para sa mga bata, adults, pwd's at senior citizens tampok din ang feeding para sa mga musmos na kabataan sa programang may basbas ni Mangatarem Mayor Ramil Ventenilla kaagapay sina Vice Mayor Michael Punzal at Bgy. Pacalat chairman Wilfredo Agatep, Jr.


Magkakaroon din ng side event na ' Danigilas Free Arts Clinic for young artists in the countryside' na ituturo sa mga batang Mangatarem upang matuto ng basic knowledge sa drawing,caricature sketch, lettering landscape, seascape at mural painting pati t-shirt printing.
"Ang proyektong ito ay isa sa nakakalendaryo nang kaganapang pang socio-civic ng ating pinamumunuang GIBFI, Raedang at CLR 45, salamat sa basbas ng Magatarem LGU's kaya sa Sabado, full force tayo sa Bgy. Pacalat", wika ni Agcaoili, tanging Filipino na ginawaran ng prestihiyosong WPF Humanitarian Ambassador Award at Acts of Philantropist Award mula United Nations. "It's our noble advocacy na walang hinihinging kapalit".
Kamakailan ay nagdaos din ang GIBFI/ Raedang/CLR 45 ng katulad na proyekto kung saan ay libu-libong pamilya na ang nabiyayaan sa Passi City sa Iloilo, Talisay , Negros Occ. sa lalawigan ng Abra at Metro Manila.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato