HADLEY MARIANO NG SBA NUMERO UNO
ANG maging pinuno ng larangang pinamumunuan ay dapat alam ang likaw at pulso nito para maging isang epektib na lider.
SPORTS
DANNY SIMON
12/20/20252 min read


ANG maging pinuno ng larangang pinamumunuan ay dapat alam ang likaw at pulso nito para maging isang epektib na lider.
Marami kasi ang naging top brass ng mga organisasyon na nakapuwesto lang dahil sa matunog na pangalan, impluwensya o bata ng nasa kapangyarihan pero ni isang termino ay di nila alam partikular sa larangan ng sport.
Kaya ang epekto ay di umaangat o nananatiling old school ang larangan.
Pero iba ang Hadley Mariano.
Isang young breed of leader sa sport na billiards na alam na alam niya ang kilatis ng mga bola, sukat ng anim na pockets, patag ng velvet table, tisa ng tako, mamahaling cuestick, pektus, placing, scratch etc.
Alam ni Hadley yan kasi kumbaga sa born with golden spoon ay mistulang ipinanganak siyang may gintong tako kaya alam niya ang diretso at liko mula sa tumbok ng pamato.
Dahil isang masiklang batang pinuno ay nakakasalamuha niya at nakakatumbukan ang mga batikan na nating bilyarista sa aktwal na laro at tuwing breaks ng mga ba sarguhan.
Ang naging billiards varsity player turned event organizer na si Hadley ang siyang founder/ CEO ng buwenamanong pro- billiards league sa bansa na SHARKS BILLIARDS ASSOCIATION (SBA) na nasa ikalawang taon edisyon na at kay layo na ng narating patungong rurok ng tagumpay sa local at kalaunan sa international na aspeto ng kumpetisyon.
Dahilan iyan sa kanyang firm at determinadong desisyon para sa operasyon tungong tagumpay ng SBA.
Hadley knows best na maraming batikang manlalaro ng billiards ( international caliber)na kinakailangan ding umangat ang kabuhayan kaya nariyan ang SBA na panigurado ang kita mula sa team owners ng naunang play- for -pay na SBA. Kaya nga hats off sa kanya si Games ang Amusement Board (GAB) Chairman Atty. Francisco J. Rivera. Ang GAB ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa kapakanan ng pro sports at athletes nito.
Nariyan din ang pocket tournaments sa kanyang mga pamosong bilyaran sa Timog kaya rumerepeke ang mga papuring numero uno ang batang Mariano na nagpasigla ng billiards nitong 2025 at asahan ang mas malalakas na sargo sa paparating na taong 2026.
Hadley Mariano lang ang 'sakalam' (future NSA head sa sport na billiards) …ABANGAN!!!
Bayang bilyarista...Maligayang SARGO sa inyo!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
