IN GOD WE TRUST
Hall of Famer Paeng hinimok ang Ph athletes na maging proud contributors ng SSS. …the beSSSt!
Meet the preSSS. Hinikayat ni six-time World champion at World Bowling Hall of Famer Rafael "Paeng" Nopomuceno ang mga Pilipinong atleta na maging SSS (Social Security System) contributors.
SPORTS
Ni DANNY SIMON
2/27/20261 min read


Meet the preSSS. Hinikayat ni six-time World champion at World Bowling Hall of Famer Rafael "Paeng" Nopomuceno ang mga Pilipinong atleta na maging SSS (Social Security System) contributors.
Proud retiree pensioner ang itinuturing na bowling GOAT (greatest of all time) at ayon sa kanya, malaking tulong ang natatanggap niyang pension.
Kaya panawagan niya sa mga kapwa niya atleta, maging SSS contributor na.
"To all athletes and all involved in sports, mag-contribute kayo sa SSS 'coz malaking tulong 'pag nag-retire kayo, may maaasahang benefits. I, for one, malaking tulong na may nare-receive akong pension."
Umaasa si Nepomuceno na magkaroon ng pension program sa sports, gaya sa SSS.
Samantala, ipinagmalaki ni Department of Finance Secretary Frederick D. Go na tumaas ng 22.1 porsyento o mahigit sa P1 trillion na ang reserve fund ng SSS.
Mula sa P1.033 trillion noong 2024, umabot na sa P1.261 trillion ang pondo ng SSS sa taong 2025.
Resulta, tataas din ang matatanggap na pension ng retirees simula September 2025 hanggang 2027.
Sa ilalim ng Pension Reform Program ng SSS, ayon kay Go, makakakuha ang mga retirement at disability pensioners ng karagdagang 10 posyentong kada taon, habang 5% kada taon para sa death at survivor pensioners.
Sinabi ni SSS President and CEO Robert Joseph M. De Claro, aabot sa 3.9 million pensioners ang makikinabang sa Pension Reform Program ng SSS.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
