Health Care, Seniors,PWD's at Sports Program... PRIORITY NI KUYA VICE DONG SA LAS PIÑAS CITY
PRAYORIDAD ni vice mayorable Dong Batalan ang kanyang kalungsod sa Las Pinas City sa aspeto ng serbisyo para sa Las Piñero.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
3/26/20251 min read


PRAYORIDAD ni vice mayorable Dong Batalan ang kanyang kalungsod sa Las Pinas City sa aspeto ng serbisyo para sa Las Piñero.
Si independent candidate Kuya Vice Dong na nasa higit dalawang dekada nang taal na taga- Las Pinas kung kaya sa kanyang unang pagsabak sa larangan ng serbisyo publiko ay alam na niya ang pulso ng kanyang magiging constituents na maghahalal sa kanya bilang Vice Mayor ng lungsod.
Bukod sa malasakit pang-kalusugan at kalinga sa senior citizens at PWD's, popokus din ang kanyang paglilingkod sa kabataan partikular ang pagpapaigting ng mga aktibidades sa larangan ng palakasan. Maglalaan aniya siya ng kaukulang pondo para sa grassroot sports development at isang mabisang paraan din para maiiwas sila sa masamang bisyo at maaging giya para sa pagiging good and productive citizen nila sa hinaharap.
" Ako naman kung papalarin , gusto kong pagtuunan pansin dito sa Las Piñas na ang health care.May batas tayo na karapatan ng bawat Piĺipino na madama ang tunay na kalingang pangkalusugan partikular sa Las Pinero .Sa kabataan naman, hikayatin natin sila na magpartisipa sa sports activities para ma- enhance ang kanilang talento na balang araw ay maka-produce tayo ng sports hero na pride ng Las Pinas.Siyempre espesyal na kalinga ang i-extend natin sa nakatatandang sector ng ating lipunan at PWD's sa lungsod", wika ng education graduate, businessman at humanitarian advocator Kuya Vice Dong Batalan ( The Fraternal Order of Eagle- Philippine Eagles)." Sa mgä kalungsod, pag pinalad ang inyong abang lingkod, hikayatin ko kayong maki-involve sa lahat ng kaganapan may kinalaman sa progreso ng ating siyudad Las Piñas."


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato