IN GOD WE TRUST

HINDI KAILANGAN NG TSINA MAGPAPUTOK KAHIT ISANG BALA PARA MASAKOP ANG PILIPINAS

Maraming senador at opisyal na nagtatapangtapangan laban sa bansang Tsina.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

10/25/20261 min read

Maraming senador at opisyal na nagtatapangtapangan laban sa bansang Tsina.

Para bang handa sila sa guera kung magkaroon man. Handang iwan ang Pilipinas.

Pero ano naman ang makukuha ng Tsina para sakupin militarily ang Pilipinas kung halos ma control na nga nila ang malalaking bahagi ng ating ekonomiya ng hindi nagpapaputok kahit isang bala. Gamit nila ay hinfi eroplano, tanke o baril kung hindi mga Chinese State Owned enterprises at State linked corporations para " sakupin" ang Pilipinas.

Sa mga nagtatapangtapangan na senador, dito po ninyo dalhin ang tapang niyo para may mapala ang taongbayan sa kayabangan niniyo.

1. Silipin ang 40 pet cent stake ng STATE GRID CORPORATION OF CHINA sa NGCP na nagooperate ng power transmission GRID sa Pilipinas.

Mga Chinese technical at software components nito ay matagal ng panganib sa national security ng bansa.

Ang Dito telecommunication na kontrolado ng CHINA TELECOM. Pangatlo na sa pinakamalaking telecom company sa Pilipinas.

Mga infra ay public works projects ng mga Chinese state owned construction conglomorates tulad ng higanteng CHINA COMMUNICATIONS CONSTRUCTION COMPANY ( CCCC) , China Harbour Engineering Company, China Roads and Bridges Corporations na may malaking participation sa ilang major infrastructure contracts , mining and resource extradition operation.

Marami pang investments ang bansang Tsina sa Pilipinas tulad sa transportation at iba pa.

Kaya malalakas ang loob ng ilang senador na magtapangtapangan ay alam naman nila na hindi sila papatulan. Pero sana dito nila ilagay ang tapang nila sa pagpasok ng bansang tsina sa mga mahahalagang economic components ng bansa. Pag kontrolado na nila ang power, transport, communication atbp , bakit pa nila kakailanganin ang kanilang militar para masakop ang Pilipinas?

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here