IN GOD WE TRUST
HONDA CLIQUE TAMPOK NA PREMYO SA MAGKAKAMPEON SA TNVS MANALO CUP BILLIARDS CHAMPIONSHIP SA PCC
TIYAK na magki-klik sa mga TNVS riders/drivers na bilyarista ang malaking sorpresang handog ni billiards icon Marlon 'Marvelous' Manalo sa kanyang buwenamanong palaro na tinaguriang TNVS Manalo Cup 10 -Ball Billiards Championship sa darating na buwan ng Pebrero 2026 na sasargo sa Pacman Cue Cup sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
SPORTS
Ni Danny Simon
1/23/20261 min read


TIYAK na magki-klik sa mga TNVS riders/drivers na bilyarista ang malaking sorpresang handog ni billiards icon Marlon 'Marvelous' Manalo sa kanyang buwenamanong palaro na tinaguriang TNVS Manalo Cup 10-Ball Billiards Championship sa darating na buwan ng Pebrero 2026 na sasargo sa Pacman Cue Cup sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Sinabi ng International billiards multi-gold medalist na si Manalo na Ang mga lehitimong miyembrong riders/drivers ng TNVS
ang tanging kalahok sa torneo ang kwalipikadong mananalo ng naturang motorsiklo bukod sa mga Iaang premyong salapi sa mamamayagpag sa naturang grassroot billiards tournament sa Mandaluyong City na balwarte nito bilang pride ng lungsod sa larangan ng sports at bilang tanyag na public servant.
" Handog natin ito sa ating kababayang nasa serbisyo publiko rin sa larangan ng transportasyon.
Marami sa kanilang hanay ay manlalaro ng billiards kaya para sa kanila ito na makapag- paligsahan sila ng may makabuluhang premyo at regalo", sambit ng many time member ng national billiars and snooker athlete na si Kap.Manalo.
Ayon naman kay tournament official Nelson Añonuevo, maaaring lumahok ang nasa isandaang TNVS riders/ drivers mula Metro Manila.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
