HOR BINAHA NA RIN SA WAKAS, QUE HORROR!

LAHAT ng kahorroran ay may katapusan.

OPINION

DANNY SIMON

9/7/20253 min read

LAHAT ng kahorroran ay may katapusan.

Matapos ang tatlong taong pamamayagpag at panggahasa sa pondo ng bayan na nakakalusot dahil sa kunsinti at timon ng kanilang lider,nabuksan na ang kahon ng pandora dahil sa pagdaluyong na ng baha ng protesta at indignasyon kontra sa mga buwayang naglungga sa imbakan ng pera ng bayan ni Juan sa House of Crocs.

Ngayon iisa na ang direksyon ng hintuturo ng mga tao matapos patunayan ng kalikasan sa pamamagitan ng malawakang pagbaha sa bansa na multo lang pala at drowing ang pinagmalaking FLOOD CONTROL na nagpabundat lang sa mga representanteng kleptomanyak sa HoR.

Ngayon binaha na to the rafters ang Mababang Kapulungan.

Kanya-kanyang pulasan na ang mga buwaya dala ang mag loot ng mga lintek!

Mas malakas na unos pa ang parating dala ng galit ng mamamayang puno na sa kanilang kabuktutan.

Di na kaýang kontrolin ang galit at HAMBALOSLOS ng mamamayan. Karipas sa tubigan na silang tatakas sa lupit ng karmang nagpahirap sa taumbayan.Di lang ang Flood Control ang sisingaw sunud-sunod na yang dagundong ng pamukaw na SIGAW hanggang maglaho ang mga halimaw na ķawatan...

ABANGAN!

******

KID ALMARIO NG CFS MAKATI KAMPEON SA K1 PH ENCUENTRO 44 SEARCH FOR A HERO

STARTING 'em young.

Dinaig ng nueve años na Batang Makati na si Ricky Almario ng Catalan Fighting System ang kaedad na pambato ng 'Kamaong Balderas na si Mark John Balderas sa K1 (Kids event) ng 44th The Philippine Encuentro - Search for Filipino Heroes na ginanap nitong weekend sa CFS Gym ,Tenejeros sa Makati City.

Si Almario ng Maximo Estrella Elementary School ng Makati City ay nakipagsabayan nang husto sa palaban ding si Baldera mula pagtunog ng opening round kung saan ay mas agresibo ang opensa ng Batang Makati sa suntok at sipa na estilong muay hanggang umangat na sa final round at tanghaling kampeon sa scorecard via split decision pabor sa batang Almario.

Ang panalo ni Kid Ricky ay kaakibat ang golden trophy at Encuentro Certificate,Search for Hero t-shirt pati pag-angat ng kanyang ranking sa kids division at ang tagumpay ay malugod niyang handog sa kanyang todo supportive na inang si Dr. Brookeshield. Imperial.

Ang bakbakang Almario - Balderas na bahagi ng 22- bouts main and supporting fightcards ay inorganisa ni 2006 Asian Games Doha ,Qatar wushu gold medalist Rene Catalan, Sr.na siyang nagtatag ng Catalan Fighting System at kasalukuyang founder/ president ng Sudokwan Association of the Philippines.

Ang adbokasiya ni Master Catalan Sr. na tumuklas ng magigiting na atletang makapaghahandog ng karangalan sa bansa ay palagiang suportado ni Batang Atleta Chairman Robert James Lagan na siya ring nagtaguyod sa isinabak ni champ Catalan,Sr. na 7-man Team Manila -Ph muay fighters kàmakailan sa prestihiyosong torneong martial arts open invitational sa Sandakan,

Malaysia kung saan 6 na medalya ang naiuwi ng Pinoy prides, 3 golds at 3 silvers.

******

CFS fighters ,world championship bound

Dahil sa mabungang kampanya ng CFS Ph Manila Muay MMA fighters sa Sandakan; Malaysia ay kwalipikado na ang bataan ni Master Rene Catalan,Sr sa prestihiyosong BMAEX Sanda World Championship sa Labuan Federation Territory sa Malaysia din. Suportahan ang ating Filipino fìghters..PUGAY!

Lowcut: Special shoutout sa ating ka-ahedres na si KIM ZAFRA - Europe-basèd IT expert,winner sa chess representing Ph abroad , car race enthusiast,sa kanyang pagsuporta sa ating adbokasiyang free arts clinic sa mga batang alagad ng sining sa countryside.

Rah-rah Kim Zafra!

Kim vs future GM