HULABALOO SA KONGRESO,GO LANG SERBISYO NI BONG GO!
DITO lang sa 'Pinas nangyayari na ang mga walang magawa sa buhay ay pilit hinihila pababa ang mga taong may ginagawa at naglilingkod sa kapwa.
OPINION
Danny Simon
2/6/20241 min read


DITO lang sa 'Pinas nangyayari na ang mga walang magawa sa buhay ay pilit hinihila pababa ang mga taong may ginagawa at naglilingkod sa kapwa.
Partikular sa larangan ng pulitika kung saan ay hustler ang Pilipino.
Ibang klase ang mga pulitiko natin dahil dito lang nangyayari ang kakatapos lang ng halalan ay ang next election na naman ang kanilang pinaguusapan.
Kararaos ng batuhan ng putik ng eleksyon national man o local ay bumibira na uli ng burak sa mga potensyal na makakalaban.
Kanya-kanyang isip kung anong istratehiya kung paano siraan ang mga matataas ang mga angat sa survey o pulso ng bayan.
Diyan naiiba ang dating civilian turned politician na si Senator Bong Go.
Magmula noong nahalal sa national position ang dating kanang -kamay ni MRRD hanggang SAP ni PRRD sa Malacañang bago naging Senador,nag- concentrate na siya kung paano tuparin ang pangako sa bayan.
Walang patlang ang kanyang serbisyo lalo na sa larangan ng kalusugan para sa sambayanan at SPORTS laan sa kabataan at para sa bayan ( Senate Commitee head in health and sports).
Hindi siya abala sa pamumulitika dahil prayoridad niya ang magampanan ang katungkulan at tiwalang kaloob ng mamamayan.
Pero ang mga hilong -talilong na pulitikong takot mawala sa posisyon ay target kahit ang may makabuluhang ginagawa para sa nasyon.
Lately ay sumambulat na naman ang mga putek na politeks.
Di pa umuunlad ang buhay ng komunidad ay nagkawatak na naman ang dating magkakasangga. Bintang dito akusa doon. Dawit siya ,damay sila.Ibebenta ang dangal sa mga dayuhang pakialamero makaganti lang ang mga hangal sa kalabang pulitikal.
Pati ang gumaganap lang sa tungkuling si Senator Bong Go ay nilalambat ng mga political animal.
Seryosong alegasyon ang ipinupukol sa butihing Senador ng pakawala ni 'taning na gumaganti ng sablay sa dating nasa poder mabuti na lang at walang naniniwala sa kasinungalingan laban kay SBG.
Wa -epek naman lahat ito kay Sen.Bong Go,magsirku- sirko na lang sila habang patuloy sa serbisyo si SBG...go..go ..
GO!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato