HUMANDA SILA KAY MARVELOUS MANALO!

NAUUNAWAAN ng korner na ito na dinamdam ng ating pamatong pool icon na si international billiards and snooker multi- medalist Marlon "Marvelous' Manalo ang pagkaungos sa kaniya ng dati nyang tinatalo at suking bilyaristang Aleman na si Ralf Soquet sa kanilang unang sultadang laban nitong nakaraang Philippine Open sa Gateway, Cubao sa Kyusi.

SPORTS

DANNY SIMON

11/2/20252 min read

NAUUNAWAAN ng korner na ito na dinamdam ng ating pamatong pool icon na si international billiards and snooker multi- medalist Marlon "Marvelous' Manalo ang pagkaungos sa kaniya ng dati nyang tinatalo at suking bilyaristang Aleman na si Ralf Soquet sa kanilang unang sultadang laban nitong nakaraang Philippine Open sa Gateway, Cubao sa Kyusi.

Di naman kinakalawang ang tira ng ating bidang bilyaristang si Manalo dahil naroon pa rin ang talas at pangkampeong diskarte sa mesang gamosa.

Pareho silang shark sa sarguhan kaya breaks of the game lang ang ipapanalo nang magwagi si Soquet na walang ginawa sa buhay niya kundi libutin ang mundo na may torneong Open kaya naungusan si Kap na hati ang oras sa bilyar at serbisyo publiko.

Pero kung di sila ang nagkatapat sa unang araw ng kumpetisyon ay malamang nagkita sila sa finals..

Eniwey, gagamitin itong barometro ni Champ Manalo dahi muli siyang sasabak sa abroad lalo sa 'Tate at muli niyang sisindakin ang mga hustler sa mundo tulad ng ginawa noon nina Efren 'Bata Reyes, Djanggo Bustamante, Dennis 'Robocop Orcollo, Carlo Viado at iba pang Pinoy na pambato at panlaban... ABANGAN!

*******

BARMM GOLD MEDAL. MAKINANG SA BATANG PINOY GAMES GENSAN'25

Tunay na pinakamakinang ang gintong medalya.

At napakatamis namnamin ang unang kagat ng tagumpay para sa BARMM sa larangan ng palakasan.

Matapos na matapyas ng BP technical committee ang buwenamano sanang gold medal sa regu category ng pencak silat at napunta sa frontrunning Team Pasig, maugong at maningning ang balik ng magandang kapalaran nang silatin ni Lanao Del Sur bet Abdul Zhuljalales Macapaar ang katunggaling Pasigueño, 21-6 sa category F. Tanding Novice male ng Batang Pinoy National Championship GenSan 2025 pencak silat Huwebes ng hapon sa SM Activity Center dito.

Ang one-sided na bakbakan ay nagbalik sa medal haul ng koponang suportado ng Marawi City government sa 1 gold- 2silvers at 1 bronze na isa nang tagumpay dahil sa unang paglahok nila sa naturang grassroot sports. development na inorganisa ng Philippine Sports Commission ay naging mabunga ang kanilang kampanya.

"Abdunillah!This is the first time to win the gold by Bangsa Moro Region", buong kagalakang wika ni Lanao Del Sur team manager Dir.Benjamin Alangca na nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang misyon sa GenSan. " Next year we will win more medalas".

"This is for the people of Lanao ànd also for the Maranao. We strike hard for this gold medal not for our fame and money but for our people,"sambit ni head coach. Jamel Hussein Matombsar na nagpasalamat ng buong puso sa General Santos City government at sa PSC.

"Pinapangarap namin ito, iaangat namin sa national hanggang international. Mabuhay ang Lanao Del Sur, ang BARMM at buong Pilipinas! ", buong pagmamalaking pahayag ni coach Amir Hussein Macapaar.