HURRAY SA PSA!
HIGH five, galamano at pagbati ang mga natanggap na papuri mula sa sports community at sportswriting fraternity para kay Philippine Sportswriters Association (PSA) president Nelson Beltran ng Philippine Star matapos mairaos nang matagumpay ang prestihiyosong PSA Annual Awards Night kamakalawa sa main ballroom ng Diamond Hotel sa Maynila.
OPINION
Danny Simon
1/30/20243 min read
HIGH five, galamano at pagbati ang mga natanggap na papuri mula sa sports community at sportswriting fraternity para kay Philippine Sportswriters Association (PSA) president Nelson Beltran ng Philippine Star matapos mairaos nang matagumpay ang prestihiyosong PSA Annual Awards Night kamakalawa sa main ballroom ng Diamond Hotel sa Maynila.
SRO ang buong galeriya at nagsidalo ang nasa higit isandaang ginawaran ng parangal mula sa mga atleta, coaches, NSA officials, PSC at POC heads pati na ang mga nagtaguyod ng gabi ng parangal. Buong kagalakang tinanggap nina Hangzhou Asian Games '23 gold medalists Annie Ramirez, Meggie Ochoa at Gilas Pilipinas men's basketball
team ang PSA trophies na simbulo ng kanilang kagitingang karangalan para sa bansa habang ang "Athlete of the Year" awardee na si AG gold medalist at #2 pole vaulter (athletics) sa mundo na si EJ OBIENA ay naka-phone patch mula sa Italy kung saan ay naghahanda na sya para sa misyong gintong medalya sa Paris Olympics ngayon taon.
Kinilala rin ng oldest media organization ng sportswriters na PSA ang mga kagitingan ng mga atletang namayagpag sa nakaraang Cambodia SEAGames pati na ang mga Pinoy Para athletes.
Tampok din ang lifetime award kina former PBA superstar/Legend Allan Caidic at namayapang si Samboy Lim, Joe Lipa, Turo Valenzona at Dante Silverio pati na ang paggunita sa mga naiwang legasiya ng mga pumanaw na sport personalities nitong nakaraang taong 2023.
Ginawaran ang mga nagpakitang gilas sa larangan ng boxing, football, volleyball, chess, obstacle race, FL academy, wushu, bowling, gymnastics, billiards, horse racing, Esports atbp.








Tony Siddayao awards ang iginawad sa pangunguna ni youngest back-to-back jiujitsu world champ Aiele Aguilar gayundin ang pagkilala sa Team Manila (RP Blu Girls) sa timon ni Engr Robert Evangelista.
Top executives sina SMC president / CEO Ramon S. Ang at First Pacific Company chairman Manny V. Pangilinan.
Pinasalamatan ni Pangulong Beltran at VP Francis Ochoa ng Inquirer ang mga suporta sa tagumpay ng kaganapan partikular ang Arena Plus, PSC, POC, MILO Philippines, PBA, Premiere Volleyball League, Rain or Shine at 1-Pacman Party List ni Rep. Mikee Romero.
Suma- total, en grande ang tagumpay ng gabi ng parangal kaya saludo din sa mga miyembro ng PSA mula beterano hanggang bagito op kors ang mga past president na sama-samang nag - victory toast after ng program at umuwi na ang tuwa at ngiti ay abot hanggang punong- tenga. HURRAY PSA!
Lowcut: Shoutout sa mga ka- FLM worldwide sa pangunguna ni FFCI pandaigdigang pangulong Dong Batalan. Admin Alyssa Dy at mga very trusted men na sina BhonBhon, Bennoks at kay dj Lemmor CreAtion (ang tinig ng DrFLAM) kina Sonnie Aguilar,Jr., Sameera Aguilar ng FFCI Dubai, Clarita Dimayuga FFCI Laguna, Emz Pascual FFCI HK, Lorry Pasicolan FFCI VP Taiwan, Nina Fruscio, Sharon Judan Pajarito FFCi Macau, Jason Agoncillo-FFCI Mindoro Oriental, Janice Pascua, Wilma Masapol FFCI Abu Dhabi,Thelma Gumpac, Ivy Escalante, Jocelyn Sanchez, Jocelyn Marcos Aceres, Helen Marcos, Teresita Valera Martinez, Melita Quilates, Doc Santos, Liway Ancheta Tugade, Rheabelle Olunan, Whem Villacruses, Salve Balaoro ng Singapore FFCI, Thess Fernandez ng Canada, Liza Ninada Alvarez, Vincent Cedana FFCI USA, Karen Whitmore, Venus Buenavista,Maya Lhea Binamira FFCI Japan, Janeth Agungay Barona, Rima Agongay Dayag at Tarlacqueña Rosaline Lemee ng FFCI Switzerland. Of course Kay Se Mi Di Speranza Foundation chairman Chilitita Cabatingan. MABUHAY KAYO




EJ Obiena
PSA VP Francis Ochoa of the Philippine Daily Inquirer
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato