IBAHIN SI BUHAIN!
SA malalim na isyu ng malawakang pagbaha sa Pilipinas ay konkretong nahalukay ang katotohanang ito ay di lupit ng kalikasan kundi isang manmade na krisis na kagagawan ng mga kruk sa pamahalaan.
OPINION
DANNY SIMON
9/2/20252 min read


SA malalim na isyu ng malawakang pagbaha sa Pilipinas ay konkretong nahalukay ang katotohanang ito ay di lupit ng kalikasan kundi isang manmade na krisis na kagagawan ng mga kruk sa pamahalaan.
Noong 2024 SONA ni BBM, ipinagmalaki niya na nasa higit 5 libong flood control na ang natapos ng kanyang administrasyon.
Pero na fact check ito ng kalikasan nang matapos ang ulat sa bayan ay inulan ang iba't -ibang luģar sa kapuluan kaya agad na bumaha ang mga mababa pati matataas na lugar.
Hinanap ng sambayanan kung nasaan ang flood control? Meron daw pero na-overwhelm lang ng kalikasan.
Nakalipas ang unos ay walang naituro na 'who knows' kaya natabunan ang isyu.
Ligtas ang mga linsyak na taga Dito Puro Walang Hiya( DiPiWH)
Nabuksan ang kahon ng Pandora lalo na nang bumaha na naman ang bayan-bayan nitong 2025 rainy season.
Nagkaroon na ng imbestigasyon di lamang tungkol sa baha kundi pati na mga imprastraktura na karamihan ay mga multong proyekto at deklaradong kumpletopero non-existing.
Wala nang malulusutan,may mananagot na mga namayagpàg ,nanamantala at nanggahasa sa cuarta ng bansa.
Me mga nasakote nang culprit,nananahimik na mga buwaya para di mabuking at nagtuturo ng iba para iligtas ang sarili.
Sa kalaunan ,truth shall prevail at mananagot ang mga tunay na mandarambong sa bayan.
Speaking of turuan,isa ang magiting na sports leader na naging Kinatawan ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas na si ex-Cong Eric Buhain.
Ginagamit ang isyu upang pulitikahin ang isang matapat na lingkod-bayan na hindi nagpayaman habang nasa kapangyarihan.
Walang pagbabagong radikal sa kanyang buhay.Same lifestyle.Humble niyang pangarap ay mapalawig ang kaniyang pinaglilingkurang Philippine Aquatics,Inc. bilang secgen.
Kiłala personal ng korner na ito si Cong.Eric mula pa noong siya ang Chairman ng Philippine Sports Commission.
Isa siyang deretsong sports leader na walang bahid sa kanyang paglilingkod sa bayan.
Kahit ilang beses pa siyang i-lifestyle check ay di pinayaman ng dating Olympian swimmer ang sarili mulà sa kaban ng bayan.
Kaya dapat ay dahan-dahan ang mga kritiko ng athlete, sports leader turned public servant Cong Eric Buhain.
Kung nagpasasa siya sa pondo habang nakapwesto ay dapat panalo siya uli pero di siya namigay ng ayuda o bumili ng boto para manatili sa trono.
Sa totoo lang ay threat pa rin si Cong. Eric kaya ngayon pa lang nais pang ilubog ng mas malalim si Cong. Eric.
You can not put a good man down..IBAHIN SI BUHAIN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato