IN GOD WE TRUST

IBALIK BILANG SP SI SEN MIGZ

NOONG si Senator Juan Miguel Zubiri pa ang Senate President ay napaka-prestihiyoso ng galawan sa upper chamber tungkol sa mga pagsasabatas ng mga nararapat lang na mamayang Pilipino ang makikinabang at di nang iilan,walang kinikilingan at pinoprotektahan sa mga isyung politikal at imbestigasyon in aid of legislation.

OPINION

DANNY SIMON

1/18/20262 min read

NOONG si Senator Juan Miguel Zubiri pa ang Senate President ay napaka-prestihiyoso ng galawan sa upper chamber tungkol sa mga pagsasabatas ng mga nararapat lang na mamayang Pilipino ang makikinabang at di nang iilan,walang kinikilingan at pinoprotektahan sa mga isyung politikal at imbestigasyon in aid of legislation.

Ang pride ng Bukidnon na si Sen. Migz ay isang tunay na statesman at di matatawaran ang angking talino sa mga talastasan sa plenaryo at walang puwang ang pagiging bias sa ilalim ng kanyang timon kaya isang kagalang-galang na Senado ang natutunghayan sa kanyang liderato.

Maraming nagsasabi na di sana mukhang kinengkoy at ginawang rubberstamp ang institusyon na pinamumunuan ngayon ng mga may kiling sa kinauutangan ng loob kesa sa mamamayang dahilan kung nasaan sila ngayon.

Kailangan na ang matinding pagbabago sa liderato upang maibalik sa wisyo ang sistema nito at tuluyang mapanagot ang mga taong pinoprotektahan nila kesehodang magalit ang taumbayan.

Kasagutan diyan upang di na nabubudol ang mamamayang Pilipino para tuluyan nang makabangon sa trahedyang kagagawan ng mga buwaya sa Konreso..ibalik si Sen.Migz

bilang pinuno ng Senado at pag nangyari yan..ZUBIRI'GOOD tayong mga Pilipino!

*********

BIYAHENG BICOL ANG "GO YOUNG ARTISTS & ATHLETES GO!"

GOOD news para sa mga batang alagad ng sining af palakasan sa Kabikulan.

Tutulak na ang Biyaheng Bicol ng Danisimon Free Arts & Sports Clinic na may temang Go young artists and athletes GO tumgong Sorsogon.

Layon ng kaganapang inorganisa ni visual artist at sportswriter Danny Simpn ang maturuan ng basic na kaalaman sa larangan ng sining ang mga potensyal na mga batang Bicolano at matuto rin ng karunungan sa larangan ng palakasan sa iko - conduct na clinic ng mga piling sports experts ng Gilas.

"Start 'em young.Maraming potensyal na kabataan na magiging alagad ng sining at sports na kailangan lan na maturuan at madiskubre .Sa pamamagitan ng aking humble na kakayahan ay posibleng maging realidad ang ating adbokasiya.

Ang naturang kaganapan ay iko-conduct sa Enero 28,2026 sa Dapdap, Pilar( Pilartists), Sorsogon. ABANGAN!