ICTSI PAC: BOSSONG ANG BAGONG BOSSING SA 800 METERS

MAY bago nang reyna sa 800 m na karera ng nagtapos nang ICTSI Philippine Athletics Championship sa Philsports, Pasig City.

SPORTS

Danny Simon

5/15/20241 min read

MAY bago nang reyna sa 800 m na karera ng nagtapos nang ICTSI Philippine Athletics Championship sa Philsports, Pasig City.

Ang makarismang Fil -Foreign trackster na si Victoria Bossong ay nakopo ang kanyang unang ginto dito sa bansa sa ginanap na ICTSI Philippine Athletics Championship nitong weekend sa Philsports Track Oval., Pasig City.

Isinumite ng instant sikat na mestisang trackster ang winning time nitong 2 minuto at 9.56 segundo upang tanghaling bagong bossing sa 800 sprint ng kaganapang itinaguyod ng ICTSI, may basbas ng PATAFA at suportado ng FilAm Sport.

Malayong segunda si national team member Bernalyn Bejoy na may 2:22.48 para sa silver habang bronze naman ang insinalya ni Susan Ramadan ng FEU( 2:17.88).

“ I’m very happy to be here. It’s really nice being able to compete in the Philippines. Great weather here, amazing competition and I’ m just really happy to bring pride to our country. It’s definitely adjustment running twice a day”, wika ng 21- anyos na si Bossong.

Ang FilBriton na si Victoria ay sisikaping maabot ang Olympic standard na 1:59.