IFBL: JC2 BINALATAN ANG CELEBRITY SKIN QUINTET
NAGPARAMDAM na ng kanilang lakas ang powerhouse team JC2 upang balatan ang malakas ding katunggaling Celebrity Skin, 88-82 sa pagpapatuloy ng IFBL eliminations sa Meralco Bolts Gym, Pasig City.
SPORTS
Danny Simon
6/29/20241 min read


NAGPARAMDAM na ng kanilang lakas ang powerhouse team JC2 upang balatan ang malakas ding katunggaling Celebrity Skin, 88-82 sa pagpapatuloy ng IFBL eliminations sa Meralco Bolts Gym, Pasig City.
Ang tropang Arki ni Architect Jayzee Gudelano Celestial ay pumoste ng 2-0 kartada sa kanilang panalo kontra Celebrities na sumadsad naman sa 1-1 baraha sa liga.
Kumamada para sa JC2 si SJ Fajardo sa kanyang 16 point output sapat na para tanghaling Smile 360 best player of the game.
Pasiklab din ang backcourt tandem nina Julian Dela Cruz na halimaw sa rebound department at Philip Palmenco na hustler sa steal stats sa kanilang tikadang tig-14 puntos.
Magiting naman nanindigan si Ali Gampong na isalba ang Celebrity Skin pero di sapat ang kaniyang pagiging top performer at puwersa sa kanilang losing cause.
" Team effort is the key.Hats off to our players and coaching staff to preserve this victory, " pahayag ni team top brass Architect Celestial.
Nauna dito, tinastas ng JC2 ang Los Zetas sa kanilang buwenamanong laro.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato