IFBL:JC2 NAKAUNGOS KONTRA LOS ZETAS, 90-86
UMISKOR ng buwenamanong panalo ang recreation team ng JC2 matapos maungusan ang malakas ding koponang Los Zetas,90-86 sa pagpapatuloy ng International Friendship Basketball League (IFBL) 5'10 -below na idinaraos sa home court ng bagong koronadong kampeon ng PBA Philippine Cup na Meralco Bolts Gym sa Pasig City.
SPORTS
Danny Simon
6/22/20241 min read


UMISKOR ng buwenamanong panalo ang recreation team ng JC2 matapos maungusan ang malakas ding koponang Los Zetas,90-86 sa pagpapatuloy ng International Friendship Basketball League (IFBL)5'10 - below na idinaraos sa home court ng bagong koronadong kampeon ng PBA Philippine Cup na Meralco Bolts Gym sa Pasig City.
Binanderahan ni Eloy Seva ang JC2 ni team owner Ar Jayzee Gudelano Celestial ang tropang Arkitekto sa pagposte ng kanyang game high 24 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 1 steal upang mabalewala ang eksplosibong laro nina Carlos Mata at Jayson Arceo para gulantangin ang karibal na Los Zetas na dumausdos sa 1-1 kartada.


JC2 team owner Architect Jayzee Gudelano Celestial.
" It's a close shave victory. Magandang senyales ang ating panalo, sana tuluy-tuloy na 'to. Hatsoff sa ating players and coaches", wika ni Architect Celestial.
Si Seba ay tinanghal na 360 Smile Best Player of the Game.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato