IGAGAWAD SA NOBYEMBRE, PILANTHROPIST AWARD KAY AGCAOILI NG PILIPINAS MULA UNITED NATIONS
NAKATAKDANG dumating sa bansa ang mga kinatawan ng United Nations Philanthropist Individual Awards Committee upang personal na igawad sa isang natatanging Pilipino dahil sa kanyang 'dedication to advancing humanity's well - being aligned with the core privilege of WPF
NEWS
Danny Simon
10/30/20232 min read


NAKATAKDANG dumating sa bansa ang mga kinatawan ng United Nations Philanthropist Individual Awards Committee upang personal na igawad sa isang natatanging Pilipino dahil sa kanyang 'dedication to advancing humanity's well - being aligned with the core privilege of WPF and the ideas of Universal State of the Earth reflect values of reason, wisdom, morality, responsibility and justice ang prestihiyosong WPF Global Philantrophy award sa susunod na buwan ng Nobyembre, 2023.
Si Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. Chairman Rafael Agcaoili ang natatanging Pilipino na gagawaran ng naturang parangal mula United Nations dahil sa pagiging pilantropo nito na napaglingkuran at nakatulong na sa mga less fortunate na kababayan mula sa kanyang humanitarian advocacy na inimplementa ng kanyang itinatag na GIBFI.
“Isang karangalan ang ganitong uri ng pagkilala mula sa prestihiyosong award giving body na WPF ng United Nations. Although di ko naman ito hinangad na maparangalan sa aking pagtulong sa kapwa ay malugod ko itong tatanggapin alay ko para sa lahat ng kalahi at kalipi natin,” pahayag ni Agcaoili na siya ring Governor ng Central Luzon Region XLV na nasa payong ng national na tanggapan ng The Fraternal Order of Eagles -The Philippine Eagles.
“With or without award ay tuluy- tuloy ang ating outreach program para sa ating kababayang nasa laylayan ng lipunan partikular sa mga lugar na di naabot ng serbisyo ng national at local government.”
Ang World Philanthropist Forum Award ay pinaglakaloob sa mga natatanging personaheng naaayon sa katangian at kakayahang 'served as a beacon of positive change addressing global challenge and uplifting human consciousness' saan mang sulok ng daigdig para sa makataong adhikain.
Ang pormal na awarding ceremony ay iaanunsiyo ni Agcaoli anumang araw mula ngayon at ang kaganapan ay ikokober ng local at international media.
Ang certificate ay pirmado ni Dr. Igor Kondrashan-President/ CEO ng World Philantropist Forum at International Vice President ng Gusi Peace Prize
Medical assistance, feeding program, scholarship, livelihood projects, job opportunities, sports and arts clinics for kids, socio civic projects at iba pa ang naikasa na ni Gov. Agcaoili sa iba't ibang lugar mula pa noon hanggang sa kasalukuyan at may nakahanay nang medical missions pa sa hinaharap mung saan ang pondong nagagamit ay mula kanyang sariling bulsa lamang.
CLR 45 Gov. Agcaoili
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato