IKA-7 PBA MVP AWARD NAKOPO NI JUNEMAR FAJARDO

LITERAL na pinakamatayog na manlalaro ang toreng si June Mar Fajardo noong Linggo.

SPORTS

Enjel Manato

11/6/20231 min read

LITERAL na pinakamatayog na manlalaro ang toreng si June Mar Fajardo noong Linggo.

Wagi ang sentro ng San Miguel Beer bilang Most Valuable Player( MVP) na ikapitong award nito na isang PBA record na mahirap ng pantayan.

Iginawad ang MVP Award sa 6’10” Cebuano na si Fajardo sa idinaos na Leo Awards bago ang pormal na pagbubukas ng Philippine Basketball Association 48th Season Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng hapon.

Naungusan ni Fajardo si Scottie Thompson ng Ginebra na siya namang naging PBA MVP noong seaon na na'injure ang Cebuano big man.

“ Sobrang saya lang na nakakuha ako uli ng MVP. Hindi ko ito inexpect kasi noong ma-injure ako ,sa totoo lang akala ko di na ko makakabalik pa at maka-compete sa ganitong level. How I wish na nandito ang parents ko, yung mama ko especially”, wika ng Gilas Pilipinas superstar ding si Fajardo sa kanyang emosyonal na pagtanggap ng MVP award .” Pero alam ko masaya siya ngayon”.

Ang tagumpay uling iyon ni Abay ay ipinagpasalamat niya sa Diyos, kay SMC Chairman Ramon S Ang, sports director Alfrancis Chua, coaching staff dahil sa kanilang suporta.

JUNEMAR FAJARDO