IM GARMA TAMPOK SA TOPS USAPANG SPORTS

TAMPOK si two-time Asian Senior Champion Chito Garma sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Sept. 26, sa PSC Conference Room sa malate, Manila.

SPORTS

Enjel Manato

9/25/20241 min read

TAMPOK si two-time Asian Senior Champion Chito Garma sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Sept. 26, sa PSC Conference Room sa malate, Manila.

Sentro ng usapin ang kampanya ng dating National Open Champion na makamit ang kasaysayan bilang pinakamatandang Pinoy na tatanghaling Grandmaster sa kanyang pagsabak sa international competition ngayong taon.

Nakatakda ang programa, sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission and Pocari Sweat ganap na 10:30 ng umaga.

Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga opisyal at miyembro gayundin ang mga sports enthusiasts na makiisa sa talakayan na mapapanood din via live streaming sa TOPS Uapang Sports official Facebook page, sa Bulgar Sports at sa Channel 8 ng Pinoy Ako (PIKO), ang pinakabagong network mobile apps nalibreng mada-download sa Android phone.