IM Michael Concio, Kampeon sa Bangkok Blitz Chess Tournament

Pinatunayan ni International Master (IM) Michael Concio Jr. ang kanyang pagiging top billing matapos magkampeon sa 22nd Bangkok Chess Club Blitz 2025 Final na ginanap sa Royal Orchid Sheraton Riverside Hotel sa Bangkok, Thailand noong Huwebes, Abril 17, 2025.

SPORTS

Danny Simon

4/19/20251 min read

Pinatunayan ni International Master (IM) Michael Concio Jr. ang kanyang pagiging top billing matapos magkampeon sa 22nd Bangkok Chess Club Blitz 2025 Final na ginanap sa Royal Orchid Sheraton Riverside Hotel sa Bangkok, Thailand noong Huwebes, Abril 17, 2025.

Tinapos ni Concio ang torneo na may 13 panalo at 2 tabla, at dahil dito'y naiuwi niya ang unang pwesto. Tumanggap siya ng premyong 18,000 Thai Baht at tropeo para sa kanyang tagumpay.

"Nagpapasalamat ako sa aking pamilya at mga kaibigan para sa panibagong tagumpay na ito," pahayag ni Concio.

Pumangalawa si Grandmaster Vitaliy Bernadskiy ng Ukraine na may kabuuang 13.5 puntos, habang nasa ikatlong pwesto si International Master Dmytro Danylenko, kapwa mula Ukraine, na may 11.0 puntos. Napanalunan ni Bernadskiy ang 11,000 Thai Baht at si Danylenko naman ay nag-uwi ng 7,000 Thai Baht.-

Mula kaliwa: Chief Arbiter IA Maung Maung Lwin, IM Michael Concio Jr. (Blitz Champion), at Tournament Director IO Kai Tuorila.