IMELDA PAPIN AT ANG KANYANG 'PILIPINO TAYO' ADVOCACY
SOBRANG emosyonal ang naramdaman ng pinagpipitagang alagad ng sining at lingkod- bayan na si Queen Imelda Papin sa nakaraang paglulùnsad ng piyesang PILIPINO TAYO for a cause partikular nang kanyang awitin ito sa entablado na tumagos ang mensahe sa puso ng lahat nang naroon sa galerya na kanyang solidong taga‐suporta at tagahanga galing sa iba't- ibang lunan at samahan .
PEOPLE* PLACES* EVENTS
DANNY SIMON
12/14/20253 min read


SOBRANG emosyonal ang naramdaman ng pinagpipitagang alagad ng sining at lingkod- bayan na si Queen Imelda Papin sa nakaraang paglulùnsad ng piyesang PILIPINO TAYO for a cause partikular nang kanyang awitin ito sa entablado na tumagos ang mensahe sa puso ng lahat nang naroon sa galerya na kanyang solidong taga‐suporta at tagahanga galing sa iba't ibang lunan at samahan.
" No matter where life takes us, this song reminds us solid one as people- matatag, nagmamahalan at nagkakaisa. "PILIPINO TAYO' is my tribute to every Filipino who continues to stay strong for our country ", wika ng solid at orihinal na LOYALISTA - itinuturing ng korner na ito bilang national artist, icon ng music industry at public servant par excellence na si Queen Imelda.
Ang kasalukuyang Director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay naging abala sa kanyang responsibilidad sa tungkuling pang- kawanggawa para sa kapakanan ng kababayan partikular ang mga less fortunate sa ating lipunan kaya sa larangan ng musika ay madalang nang marinig ang kanyang tinig pero nang umalingangaw sa madla ang awiting PILIPINO TAYO ay sobrang emosyon at paghanga ng mga mapalad na nakatunghaý sa ating nag-iisang jukebox queen na masigabong palakpakan ang naging handog kay Queen Imelda.
Regalo niya aniya ang 'PILIPINO TAYO' sa kababayan at ang timing ng paglunsad nito ay isang makabayang mensahe sa mga pangyayari ngayon sa bansa na binabalot nang kurapsyon at magpahanggang ngayon ay wala pang napaparusahan sa mga sumasadlak sa ating bayan.
"Ang paglulunsad na ating adbokasiya ay tunay namang destiny at di nagkataon lamang.I believe in destiny.Anything that is happening, theres always a purpose. ang mahalaga, tulad ng lyrics ng 'PILIPINO TAYO ay magsama-sama tayo", ani pa Papin na special mention ang batikang composer ng kantang si G.Mon del Rosaro na may areglo din ng tanyag niyang piyesang Isang Linggong Pag-ibig.
Kaya no dull moment ang 2026 dahil sa bonggang drumbeating caravan ng PILIPINO TAYO sa buong kapuluan na nanànawagan ng tunay na pagkakaisa at iwaksi na ang pagkakahati- hati ng bawat Pilipino.
Pugay at saludo sa kanyang Kamahalan Queen Imelda na para sa korner na ito ay destined din ang ang ating Reyna sa Mataas na Kapulungan sa hinaharap...ABANGAN!






***
SPORTS SCRIBE MARLON BERNARDINO NAGPASALAMAT SA MGA TUMULONG
Taos- pusong nagpasalamat si chess master/ sportswriter Marlon Bernardino sa lahat nang tumulong sa kanya sa panahon ng kanyang pagkakaratay ng higit 2 linggo sa Mandaluyong City Medical Center dahil sa kanyang pakikibaka sa karamdaman una sa Maykapal, kay billiards icon Champ Marlon Manalo at Bgy Malamig Kap Cynthia Caluya, kay Tatay Vic Victoria, executive secretary ng Office of the City Mayor ni Alkalde Menchie Abalos, New York based Alen Vasquez, nephew of National Master Andrew Vasquez at op kors kay GAB Chairman Atty. Francisco Rivera at marami pang iba mula sa chess community at sportswriting fraternity.
Malakas ding magpagaling ang alam mong marami kang kaibigan sa oras ng pagsubok sa buhay. Kung dati ay 'get well' ngayon ay 'very well' na Marlon..AMEN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
