Imelda: Salamat PCSO, Gov. Agcaoili, Media atbp. TAGUMPAY ANG LOYALISTA 'THE UNTOLD STORY OF IMELDA PAPIN' PREMIERE NIGHT
SOLD out ang tiket, haba pa ang pila.Tunay na dinagsa ang premiere night ng Loyalista ' the Untold Story of Imelda Papin na ginanap nitong Nobyembre 29 sa Cinema 2&3 ng SM Megamall.
NEWS
Danny Simon
12/1/20233 min read


SOLD out ang tiket, haba pa ang pila.Tunay na dinagsa ang premiere night ng Loyalista ' the Untold Story of Imelda Papin na ginanap nitong Nobyembre 29 sa Cinema 2&3 ng SM Megamall.
Pinatunayan lang na malakas ang hatak ni Imelda Papin hindi lang sa musika kundi maging sa silver screen..
Ang pelikula ay batay sa totoong pangyayari sa buhay ni music icon at former Vice Gov. Imelda Papin sa piling nina dating Pangulong Ferdinand E.Marcos at Unang Ginang Imelda R. Marcos bilang isang tunay na loyalista na nakasama hanggang Hawaii exile ng First Couple.
Walang pagsidlan ng galak ang jukebox queen na si Papin sa dambuhalang tagumpay na kanyang naramdaman ng gabing iyon gayundin ng kanyang pamilya, kaibigan at taga-suporta sa kanyang adbokasiya na quality film for a cause.
SI juke box queen at former Vice Gov. ( Bicol) Imelda Papin kasama ang isa sa sponsor ng kanyang pelikulang Loyalista 'the untold story of Imelda Papin' na si CLR 45 Gov.Rafael Agcaoili sa matagumpay na premiere night sa SM Megamall. (kuha ni Mark Batuigas)


Full force ang Raedang Group ni CLR 45 Gov.Agcaoili sa premiere night ng Loyalista.. kasama sa larawan ang premyadong aktor na kuya ding si ER Ejercito Estregan (the President). (kuha ni Mark Batuigas)
Taos- puso ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong para sa tagumpay ng makabuluhang proyekto sa industriya ng pelikula tampok ang Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO), kay TFOE Philippine Eagles Central Luzon Region(CLR) 45 Governor at GIBFI Chairman Rafael Agcaoli , sa media at iba pa na napakalaking bagay ang naiambag sa tagumpay ng Loyalista 'the Untold Story of Imelda Papin sa timon ng Queenstar Film Production at sa direksyon ni Director Gabby Ramos.
Buhay na buhay ang portrayal ng mga batikang artistang sina ER Ejercito Estregan at Alice Dixzon bilang First Couple at markado ang pagkaganap ni prized celebrity Gary Estrada ( best actor) bilang Bong Carrion na hubby ni Imelda Papin na ginamapanan ni Claudine Baretto.
Nakilala ang husay dito ni Maffy Papin Carrion angat ang espesyal na partisipasyon nina Aileen Papin,Gloria Papin,Zak Papin, Blumark at Kanisha Santos , Lheng Divinagracia Gonzales at Carlo Maceda.
From juke -BOX queen to reyna ng BOX- office hit..iyan si FVG Imelda Papin.
Bilang suporta ay full force ang Raedang Group of Companies at Gilas News Organization ni Gov.Agcaoili sa matagumpay na gala night ni Ms Imelda.
LOYALISTA 'The Untold Story of Imelda Papin ..coming very soon at theatres near you nationwide.


Dinagsa ang premiere night ng Loyalista...




Si CLR 45 Gov.Rafael Agcaoili (ikalawa kaliwa) sa matagumpay na premiere night ng Loyalista ' the untold story of Imelda Papin kasama sina Lyle Agcaoili( dulong kaliwa), Atty.Modesto Lacambra( ikatlo kaliwa),Loyalista lead actor Gary Estrada (ikatlo kanan, Gilas News EIC Dani Simon at CLR45 Vice Gov.Edwin Salve (dulong kanan). (kuha ni Mark Batuigas)


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato