IMELDIFFIC!
NAALALA ko noon,kapag nanood ka ng sine partikular sa pelikulang Pilipino,may mga eksenang pinapalakpakan at tinitilian ang mga manonood dahil sa paghanga at husay na ganap ng bida at ang tanging nakagagawa niyon ay si 'Da King' Fernando Poe ,Jr.( FPJ).
OPINION
Danny Simon
11/30/20232 min read


NAALALA ko noon,kapag nanood ka ng sine partikular sa pelikulang Pilipino,may mga eksenang pinapalakpakan at tinitilian ang mga manonood dahil sa paghanga at husay na ganap ng bida at ang tanging nakagagawa niyon ay si 'Da King' Fernando Poe ,Jr.( FPJ).
Sa paglipas ng panahon at namayagpag na ang kompyuter na akala ng henerasyon ngayon ay osla na ang pelikula pati diyaryo na kumokronikel ng mga kaganapan sa pinilakang tabing pati na aksiyon sa arena at balitaktakan sa plenaryo( showbiz, sports and politics).
Matagal nang di nakakanood ng pelikula at kumokober ng premiere night ang korner na ito, na natuon ang atensyon sa palakasan at politika pero laking sorpresa ko nang maimbitahan tayong kumober ng gala night ng pelikulang LOYALISTA - the untold story of Imelda Papin.
Pinagtuunan ko ng panahon ang political at based on true story film na ito at di naman nasayang ang oras dahil sa swabeng pagkagawa nito , hindi eksaherado ang sinematiko, maayos ang setting at hindi nakakainip.
Iba pa rin ang Imelda Papin.Lakas ng kanyang dating na bukod sa musika ay icon siya sa pinilakang tabing.




Ang entusiyasmo ng fans mula kanyang paglakad sa red carpet tungong entablado hanggang pagpasok sa teatro ay tunay na pinagkaguluhan ang premiere night at pinalakpakan, tinilian , iniyakan ang mga eksenang naroon siya karamay ang Unang Pamilyang Marcos sa napahusay na obra ni Direk Ramos.
Sa husay ng pagganap ng mga batikan at premyadong artistang sina ER Ejercito Estregan at Alice Dixzon bilang First Couple at (kaisport)Gary Estrada - Claudine Baretto bilang Bong Carrion at Imelda Papin, mga Papin siblings at lahat ng bigating naging bahagi ng Loyalista...ang suma total ay SUCCESS to the max at tiyak na blockbuster ang LOYALISTA the untold story of Imelda Papin pagrelease nito sa mga sinehan nationwide.
Ngayon lang mag-eendorso ng pelikula ang korner na ito.MANOOD PO KAYO ..COMING SOON .. ABANGAN!!
Lowcut- Pinasalamatan ng juke box queen , singer par excellence ( former Vice Gov. sa Bicol)Imelda Papin sa mga bigating tumulong sa kanyang Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) at kay CLR 45 Gov. at GIBFI chairman Rafael Agcaoili.Hats off din sa dating matinee idol at kaisport na si Carlo Maceda at kay Ms Lheng Divinagracia Gonzales na naging bahagi ng pelikulang Loyalista.Special shoutout kay CEO/ President AJIT HARDASANI ng RED DIAMOND Company. Coming soon...from Kuya Eagle Franck Carreon.




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato