IN GOD WE TRUST
IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA AT ANG FLOOD CONTROL SCAM: Ipalabas din ang mga baha habang ineere ang trial
Ayon sa isang survey ay nawawalan na ng interes ang karamihang Pilipino na subaybayan ang impeachment trial.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
8/11/20261 min read


Ayon sa isang survey ay nawawalan na ng interes ang karamihang Pilipino na subaybayan ang impeachment trial. Marahil ay hihintayin na lang nila ang hatol ng impeachment court kaysa sayangin nila ang oras sa panunuod ng paglilitis.
Sa kabilang banda ay " BALIK BAHA" sa Metro Manila at ilang mga lugar na nagbuhos ng bilyun -bilyong piso para sa mga depektibo at ghost flood control projects.
Paano tayo makaka " move on" tulad ng nais ng isang senador sa issue ng flood control scam kung hanggang ngayon ay tuluy -tuloy ang pagbaha samantalang ang mga salarin ay malaya pa rin at ang ilan ay napapanuod natin sa impeachment trial as prosecutors o senator judges?
Paano ka gaganahang panoorin ang impeachment trial kung ang mga dapat na linilitis ay ang siyang huhusga o umuusig?
Sa usaping flood control scam , maaring mapagtakpan ng salapi at kapangyarihan ang katotohanan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni BBM pero hindi ang kalikasan. Ang patuloy na pag-ulan na nagdudulot ng baha ay hindi masusuhulan, hindi mapagtatakpan ng pagpapalabas ng impeachment trial.
Sana kung maari lang na habang ineere ang impeachment trial ay naisasabay ang pagpapakita ng mga binabahang lugar. Baka sakaling magkainteres ang mga tao na panoorin ang paglilitis. Halimbawa kapag nakatutok kay Senator Judge ang kamera ay pinakikita ang baha sa lugar na di umano ay nagkaroon siya ng ghost projects. Sasabihin nila walang koneksyon ang flood control scam sa impeachment trial ni VP Sara. Pero sa mga ibang senator judges at prosecutors meron.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
