IN THE BAG NA KAY BAGAMASBAD ANG 12TH ASIAN SRS CHESS C’SHIP

Panigurado na anuman ang kahihinatnan ng iba pang manlalaro at di na makakaya pang abutan ang solo lider na si defending champion IM Efren Bagamasbad ng Pilipinas.

SPORTS

Enjel Manato

10/20/20231 min read

Panigurado na anuman ang kahihinatnan ng iba pang manlalaro at di na makakaya pang abutan ang solo lider na si defending champion IM Efren Bagamasbad ng Pilipinas.

Ang nagkampeon sa nakaraang 2022 New Zealand edition na si Bagamasbad ay naitabla ang laban kontra Randolph Schain ng Cambodia sa French Defense Fort Knox variation 21 moves upang umusad sa 7 points sa ituktok ng standing sa 65 above category.

Mathematically ay di na maabot pa ng mga katunggali ang kanyang likom na puntos upang ma-retain ang kanyang titulo sa patapos nang Asian Seniors Chess Championship na ini-host ni Tagaytay City Mayor Abraham ‘ Bambol Tolentino at may basbas ng National Chess Federation of the Philippines( NCFP).

“Kondisyon at preparado sa isip at pisikal kaya maganda resulta ng aking laro sa kabuuan. Bagama’t panigurado na, play for win pa rin sa final round para sa rating”, wika ng Italy- bound for World Seniors Championship na si Bagamasbad kalakip ng pasasalamat sa sumuporta sa kanyang kampanya na si chess patron Daniel ‘Boy Francisco ng Spare and Strike sa Evangelista, Bangkal sa Makati City.

Si Mike Lapitan ang tournament director ng kampeonato sa timon ni Asian Chess Federation official Toti Abundo.

12th Asian seniors virtual champ IM Efren Bagamasbad. (Mench Salazar)