IN GOD WE TRUST

Inobasyon ng SBA di patok kay Perry M... “SHARKING” SA BILYAR PAYONG ALISIN

Kinondena ni Perry Mariano, founder ng Lucky Break at longtime billiards patron, ang tinatawag na “sharking” habang lalo pang umiinit ang kompetisyon sa SBA Season 2, ilang linggo bago ang inaabangang finals. Diretsahan ang pahayag ni Mariano. Para sa kanya, hindi ito ang bilyar na kinakalihan at iginalang ng mga beteranong manlalaro.

SPORTS

3/8/20262 min read

Kinondena ni Perry Mariano, founder ng Lucky Break at longtime billiards patron, ang tinatawag na “sharking” habang lalo pang umiinit ang kompetisyon sa SBA Season 2, ilang linggo bago ang inaabangang finals.

Diretsahan ang pahayag ni Mariano. Para sa kanya, hindi ito ang bilyar na kinakalihan at iginalang ng mga beteranong manlalaro.

“Bilyar is a gentleman’s game. Tahimik, may respeto, at puro focus,” ani Mariano. “At Lucky Break, we respect the heritage of the game. We are about the sport in its purest form, exactly how world champions were trained to play.”

Nilinaw ni Mariano na hindi niya minamaliit ang talento ng mga manlalaro. Sa katunayan, pinuri pa niya ang mataas na antas ng kanilang kakayahan. Ngunit ang format ng liga ang kanyang kinukuwestiyon.

“I look at Hadley’s league, and I don’t approve of this ‘sharking’ rule,” aniya, tinutukoy ang SBA na pinamumunuan ng kanyang anak na si Hadley Mariano, CEO ng liga. “You have people screaming and heckling habang may tumitira ng 9-ball. That’s a deviation from the sport. It turns a professional match into a circus.”

Para kay Mariano, kapag may sumisigaw o nanggugulo habang nasa kritikal na tira ang isang manlalaro, nawawala ang respeto sa laro. Aniya, hindi raw dapat ginagawang “show” ang isang propesyonal na laban.

Aminado rin siyang may entertainment value ang konsepto.

“Is there a wide market for SBA? Maybe. I’ll be honest, I actually watch a lot of his games. It’s highly entertaining,” sabi niya. “But as a mainstream professional league for the future? I don’t see it lasting. You can’t build a legacy purely on noise.”

Sa huli, nagbigay siya ng tila pa-amang paalala.

“I love my son, and I wish him all the luck in the world with this experiment. But he’d probably be better off sticking to the traditional game with me. When the fans get tired of the yelling, they’ll come back to the real sport.”

Tradisyon laban sa inobasyon. Tahimik na disiplina kontra maingay na entertainment. Habang papalapit ang finals, tila hindi lamang sa mesa umiinit ang laban, kundi pati sa prinsipyo kung ano nga ba ang tunay na bilyar. DAS

Hadley

Perry