INTERNATIONAL SWIM COMMUNITY HIGH FIVE SA PAI

PATULOY ang pagkilala ng international community sa liderato ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na ayon kay Executive Director Chito Rivera ay tapik sa balikat sa adhikain na maisulong ang komprehensibong programa hindi lamang sa swimming bagkus sa iba pang haligi ng aquatics ports tulad ng diving, water polo, artistic swimming at open swimming.

SPORTS

Enjel Manato

5/10/20242 min read

PATULOY ang pagkilala ng international community sa liderato ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na ayon kay Executive Director Chito Rivera ay tapik sa balikat sa adhikain na maisulong ang komprehensibong programa hindi lamang sa swimming bagkus sa iba pang haligi ng aquatics ports tulad ng diving, water polo, artistic swimming at open swimming.

Sa isinagawang Asia Aquatics Convention nitong Abril 25-28 sa Bangkok, Thailand , nahalal sa five-man Ethics Committee si PAI president Miko Vargas, habang kabilang sa 15-man Board of Directors si PAI secretary general at swimming icon Batangas 1st District Congressman Eric Buhain.

“During the Asian Aquatics convention, muling pinuri ang naging hosting natin sa Asian age group championship last February sa Clark and the election of PAI president (Miko) Vargas and Cong. Buhain sa central board only shows the esteem recognition ng international community sa atin,” pahayag ni Rivera sa ginanap na Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RSMC).

Sinabi rin ni Rivera na nagpadala na rin ng mensahe ang iba pang international swimming body tulad ng Singapore at New Zealand para sa isang kolaborasyon para sa pagsasanay ng mga aquatics athletes, gayundin ang mapataas ang kaalaman ng mga local coaches.

Nakalinya rin sa PAI ang paglahok tatlong torneo sa abroad ngayong taon, bukod pa sa Olympic qualifying para sa elite swimmers na sina Chloe Isleta, Jasmine Alhaldhi, at Kyla Sanchez.

Ipinahayag din ni Rivera ang nakatakdang National tryouts sa Agosto para sa koponan na isasabak sa SEA age group championship sa Disyembre sa Bangkok kugn saan hinikayat niya ang mga foreign-based swimmers na maglaan ng panahon na magbalik sa bansa para makiisa sa tryouts.

“Open po at para sa lahat ang tryouts kaya hindi na puwede na magsubmit ka lang ng time record mo okis na. Kailangan maipakita mo ang kahusayan mo kaya dapat andito rin sila,” sambit ni Rivera sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kasama ni Rivera sa programa ang dalawang sumisikat na swimmers na sina Nicola Queen Diamante, 13, mula sa RSS Dolphins club t Patricia Mae Santor, 15, mula sa Ilustre East Swimmin Club. Kabilang sila sa kwalipikadong maglaro sa Palarong Pambansa sa Hulyo para sa koponan ng National Capital Region.

“First time ko po sa Palaro kaya po masaya ako at excited. Pagbubutihin ko pa po ang training para makamedalya ako. Kung mananalo ako I’m sure buong school naming at ang parents ko masaya rin,’ sambit ni Diamante, Grade 8 student sa Augustinian Abbey sa Las Pinas.

Target naman ni Santor, miyembro ng PH team sa Asian age group, na malagpasan ang isang gintom isang silver at dalawang bronze medal na napagwagihan niya sa nakalipas na palarong Pambansa sa Marikina City.

“Sakripisyo po talaga sa training at sa pag-aaral, hopefully po mas mapalakas ko yung mga personal best ko,” pahayag ng University of Santo Tomas standout.