INTON'S CORNER Kandidatong hindi kilala, nuisance candidate ba agad?

Ayon sa Section 69 ng Omnibus Election Code, a nuisance candidate is one who files a certificate of candidacy

OPINION

10/20/20243 min read

Ayon sa Section 69 ng Omnibus Election Code, a nuisance candidate is one who files a certificate of candidacy.

a) To put the election process in mockery or disrepute, or

b) Cause confusion among the voters by the similarity of the names; or

c) In other circumstances which clearly demonstrate that the candidate has NO bonafide intention to run for the office and to prevent a faithful determination of the true will of the electorate

Pero diba ayon sa Konstitusyon Art 11, section 26 that the:

State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties AS MAY BE DEFINED BY LAW.

Ganoon pa man ay maaring ideklara ng Comelec ang isang kandidato na nuisance candidate kung mapapatunayan na ang kaniyang kandidatura ay isa sa tatlo sa Section 69 ng election code.

Maari bang madeklarang nuisance ang kandidato na “walang financial capacity to sustain rigors of waging a national campaign.

Sabi ng Korte Suprema:

In Marquez vs Comelec (G.R. no. 244273, 03 September 2019) The Supreme Court declared invalid the act of COMELEC in declaring someone a nuisance candidate on the ground of failure to prove financial capacity to sustain the rigors of waging a nationwide campaign.

Ibig sabihin ay kung isang Kandidato sa pagka senador ay walang pera na sasapat sa isang nationwide campaign ay hindi siya maaring ideklara na nuisance candidate. Kaya’t may mga kandidatong Senador na wala man perang bilyon- bilyon tulad ng mga liyamadong kandidato ay maari pa rin siyang kumandidato. Yun nga lang ang chance na manalo ay mahirap.

Bigay tayo ng mga halimbawa:

Naghain ng kandidatura ang isang nagngangalang Philip Salvador. Pero hindi siya ang artista. Milyonaryo siya, may propesyon at kayang gumastos sa isang national campaign. Pero kapangalan siya ng mas sikat na artistang Philip Salvador. Maituturing ba na nuisance candidate ang kapangalang Philip Salvador.

Himayin natin. Will his candidacy put the election process in mockery or disrepute? Hindi dahil kapangalan lang niya ang artista at kung tutuusin ay mas mayaman siya, may propesyon pero hindi nga lang sikat. Pero baliktarin natin ang tanong, ang kandidatura ba ng artistang Philip Salvador will put the election process in mockery or disrepute?

Ang pag kandidato ba ng hindi kilalang Philip Salvador will cause confusion among the voters by the similarity of names. Dito sa ground na ito ay maari. Pero sino sa dalawang Philip Salvador will cause confusion among voters?

Sa pangatlong test. Yun kandidatura ba ng hindi artistang Philip Salvador “clearly demonstrate that the candidate has no bonafide intention to run for office and prevents a faithful determination of the true will of the electorate? Alin sa dalawang Philip Salvador have no intention to run for senator?

Ngayon ibahin natin. And dalawang Philip Salvador ay tumakbong konsehal sa maliit na bayan. May ground ba ma disqualify ang isa?

Kamakailan ay naglabas ng rekomendasyon and legal department ng Comelec na 66 candidates out of 183 na nag file ay apprubadong tumakbong senator. Ilan sa mga rekomendadong kandidato ay mga independent candidates. So ibig sabihin kahit wala o maliit ang chance manalo kandidato ay maari siyang tumakbo. Opo dahil ayon yan sa konstitusyon ”equal access to opportunities for public service”.

Pero di ba dapat ideklara na nuisance candidate kapag ang candidacy niya will put the election process in mockery or disrepute. Ano ba ibig sabihin ng “to put the election process in mockery or disrepute? Mockery is to ridicule o sa tagalog pangungutya at disripute ay kasiraan. So kung ang kandidato ay isang pangungutya o nagbibigay kasiraan sa halalan ay dapat lang siya ideklarang nuisance candidate kahit gaano pa ang pera niya o sobra kasikatan niya. Gagamitin lang ang halalan para sa sariling interes niya. Sa 66 na pinayagang kumandidatong senador lahat ba sila ay pasado dito.

Paano naman yun “no bonafide intention to run for office and to prevent a faithful determination of the true will of the electorate.” Ito yun mga tumatakbo para sirain ang boto ng isang kandidato. O di kaya kumandidato para manira lamang.

So, hindi “winnability” ang basehan para mag deklara ng nuisance candidate. Sa totoo lang kung susuriin lang ng taong bayan at pag aaralan ang plataporma ng ilang hindi kilalang kandidato ay mas marami tayong pagpipilian kaysa sa mga kilalang kandidato dahil lang sa kayamanan at kasikatan.