INYONG-N.U. NA ANG KAMPEONATO!

IBANG - iba talaga kapag nasa direksyon ang giya sa isang koponan. Muling bumabalik sa finals ang powerhouse National University men's baseball team na halos ay isang hataw nalang at matutupad na ang kanilang misyon na muling magkampeon sa prestihiyosong University Athletic Association of the Philippines na nasa ika -86 season na ngayon.

OPINION

Danny Simon

4/16/20242 min read

IBANG - iba talaga kapag nasa direksyon ang giya sa isang koponan.

Muling bumabalik sa finals ang powerhouse National University men's baseball team na halos ay isang hataw nalang at matutupad na ang kanilang misyon na muling magkampeon sa prestihiyosong University Athletic Association of the Philippines na nasa ika -86 season na ngayon

Ang NU Bulldogs ay isa sa kinatatakutang baseball team sa scholastic sport lalo pa't nag- kampeon sila noong 2017 pa. Mula noon kahit na laging materyales - fuertes ang Sampaloc batters ay di sila makakatuntong sa kampeonato.

Magagaling ang players ng N.U. (juniors-seniors) sa UAAP pati na coaching staff nito, pero laging balk sa kanilang walk to win kaya pinigang mabuti ni manager Wopsy Zamora ang kanyang taktika upang muling makabalik nang mabalasik at paghariang muli ang liga.

Isang malaking desisyon ang inimplementa ni 'bos Wopsy' sa team, matinding balasa ang kanyang isinagawa. Magmula sa players hanggang coaching staff ay pinalitan ni Wopsy na isang gamble.

Pumasok ang mga young blood pero mataas ang determinasyon sa laro at walang uurungan sino man ang kalaban. Pati coaching staff ay binalasa ni "bos' na isang gamble kumpara sa dating miyembro ng national coaching staff sa isang bagito pero subok ang kapasidad sa pagtimon ng team na si Romar Landicho (dating UP Maroons standout) pati deputies sa bullpen.

Ang matindi ay ang super-support sa team ni manager Wopsy kung saan ay wantusawa siya sa agapay-personal kung kaya lalo pang umangat ang lebel ng laro ng Bulldogs na nagbunga naman ng mga panalo mula elims hanggang semifinals tungo sa muling makatuntong sa finals sa mahusay na giya ni coach Landicho at kanyang assistants na dagdag adrenaline sa mga laro ng Bulldogs .

Haharapin nila sa finals ang ang defending champion De la Salle University. Di matatawaran ang lakas ng Taft Team pero liyamado ang NU dito dahil sa inspirasyon ang hatid ni Wopsy,NU baseball community at husay ni tactician Landicho kaya nangangamoy nang kampeonato, di ba motivation chief Rey Sol? Go Bulldogs! ABANGAN!!