IPPC BUMABANDERA SA TEAM STANDING NG LBP TINGZON CUP

MATAPOS ang apat na weekend games (Sabado at Linggo) sa Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup, bumabandera ang Itakura Parts Philippines (IPPC ) Hawks kontra pito pang koponan sa team standing.

Danny Simon

6/27/20241 min read

MATAPOS ang apat na weekend games (Sabado at Linggo) sa Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup, bumabandera ang Itakura Parts Philippines (IPPC ) Hawks kontra pito pang koponan sa team standing.

Ang Laguna-based team na pag-aari ni Japanese national Philippine-based Kunifumi Itakura ay may kartada ngayong 4-1 panalo-talo upang manatili sa ituktok ng team standing.

Huling biktima ng Hawks ang Dumaguete Unibikers nitong nakaraang Linggo,9-1 para okupahan ang liderato sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Amando 'Wopsy Zamora, President Jose 'Pepe Munoz at Executive Director Rodolfo 'Boy Tingzon

Si Ram Alipio ay may 2 hits at 1RBI, pinch hit si Jerome Florida full bases 3 RBI double,at si Saxon Omandac ay naka-single at 1 RBI.

Nag-pitch si Kenneth Delos Santos ng hanggang 6th at pumalit si Miguel Olmos sa 7th hanggang 9th.

Segunda sa standing ang Thunderz kasunod ang UST Tigers, 3-1, NU Amigos,2-1,KBA Stars na may 1-2,Samurai ay 2-4, Dumaguete ay 1-3 habang wala pang panalo ang Ateneo, 0-3.