IPPC HAWKS ANG BUENAMANONG KAMPEON SA LBP TINGZON CUP
NILANTAKAN ng IPPC Hawks ni Kunifumi Itakura ang UST Tigers ,12-7 sa game 2 finals best of 3 ng matagumpay na Liga Baseball Philippines(LBP) Tingzon Cup nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.
SPORTS
Danny Simon
8/19/20241 min read


NILANTAKAN ng IPPC Hawks ni Kunifumi Itakura ang UST Tigers, 12-7 sa game 2 finals best of 3 ng matagumpay na Liga Baseball Philippines(LBP) Tingzon Cup nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.
Nanlilisik ang simula na Hawks upang ibaon ang Tigers sa pag- ulan ng runs ng una pero bumalikwas ang Tigers upang dumikit at maging exciting ang kampeonato sa ligang inorganisa nina LBP Chairman Wopsy Zamora , President Pepe Muñoz at Executive Director Boy Tingzon.
"Sa game 2 ay hinde ko inistart si (Lyle)Caasalan dahil kompiyansa ako sa paluan ng mga players ko at sa 3rd inning ay umiscore kami ng 8 runs at akala ko matambakan namin ang UST pero nang naka- error din kme sa 4th ay naka -hit din sila kaya nag full bases at nagkataon si Vargas ang papalo (member ng National team at nka grandslam) kaya lumapit sila, 10-6 ang score at pinalitan ko kaagad ang pitcher ko ",wika ni Harks head coach Orlnado Binarao." "Mabuti na-control ni Caasalan hanggang sa last innings."
Si Caasalan ang tinanghal na historic MVP.
Dahil sa tagumpay ng liga, tiniyak ni Chairman Zamora na susundan agad ito ng bagong LBP Conference sa Nobyembre.




Si IPPC pitcher Lyle Caasalan ang league's MVP kasama sina LBP chairman Wopsy Zamora (kanan) at president Pepe Muñoz( kaliwa).
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato