IPPC HAWKS VS UST TIGERS SA GAME ONE FINALS NG LBP TINGZON CUP
MAGTATAGISAN ng bangis ang finalists Itakura Philippine Parts Corporation( IPPC) Hawks kontra University of Santo Tomas( UST) Tigers sa pag-arangkada ng game 1 (best-of- three) finals ng Liga Baseball Philippines (LBP) Tingzon Cup, Sabado ng tanghali sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
SPORTS
Danny Simon
8/7/20241 min read


MAGTATAGISAN ng bangis ang finalists Itakura Philippine Parts Corporation (IPPC) Hawks kontra University of Santo Tomas( UST) Tigers sa pag-arangkada ng game 1( best-of- three) finals ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup, Sabado ng tanghali sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.
Magku-krus ng landas ang Hawks ni coach Orlando Binarao at tropang Tigers matapos nilang dispatsahin ang Thunderz at NU Bulldogs ayon sa pagkakasunod sa kanilang knockout semifinals nitong nakaraang weekend.
Ang Hawks ni Kunifumi Itakura ay kinailangang talunin ng dalawang beses sa crossover semifinals gayundin ang UAAP powehouse na Tigers ay twice to beat ang Bulldogs.
Bago ang titular championship ay magtutunggali ang Bulldogs kontra Thunderz sa kanilang one game battle for third place bandang alas-otso ng umaga.
Ang LBP Tingzon Cup ay inorganisa nina Chairman Wopzy Zamora, President Pepe Muñoz at Executive Director Boy Tingzon.
Ang Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal sa namayapang baseball leader icon Rodolfo Tingzon, Sr.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato