ISABELA'S BIGGEST HUMANITARIAN MISSION KASADO NA NI FLM SA BAYAN NG RAMON
LAHAT ng direksiyon ay nakatuon sa bayan ng Ramon sa darating na Hunyo 16 upang tumugon sa ikinasang 'Humanitarian Mission' ng tanyag na pilantropo sa bansa na si Francis Leo Marcos mula noon hanggang ngayon.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
4/12/20241 min read


LAHAT ng direksiyon ay nakatuon sa bayan ng Ramon sa darating na Hunyo 16 upang tumugon sa ikinasang 'Humanitarian Mission' ng tanyag na pilantropo sa bansa na si Francis Leo Marcos mula noon hanggang ngayon.
Sa pakikiisa ng local gvovernment unit sa pamumuno ni Ramon Mayor Jesus Laddaran,Konseho ng Bayan,Kapulisan at mga nasa socio - sibikong mamamayan, suporta mula sa FFCI Worldwide sa pamumuno ni pres. EO Batalan, Chilitita Cabatingan ng Se Mi Di Speranza Foundation ay kasado na ang lahat ng sistema para sa tatlong araw( Hunyo 16 hanggang 18) na makataong programa ng orihinal na batang Norte na si FLM tampok dito ang medical mission, libreng konsultasyon, eye check-up, libreng salamin sa mata, cash-pabigas at groserya sa masa, feeding program sa mga batang nasa laylayan ng lipunan sa naturang bayan at pamigay na smart phones sa mga pili at deserving at matatalinong estudyante mula sa mga paaralan ng Ramon na mangyayari dahil sa bukal na puso ng batang Marcos sa unang pagkakataon.
" Ngayon pa lang, it's all systems go na para sa biggest humanitarian mission sa lalawigan ng Isabela.Maraming salamat sa kooperasyon ng lahat ng konsernado sa ikatatagumpay ng ating adbokasiya sa Isabela," wika ng doctorate degree holder na si Dr. Francis Leo Antonio Marcos Ph D, D' Hum Honoris Causa.
Samantala,sa marubdob na pulong nina FLM at Mayor Laddaran kaugnay ng 'Humanitarian Mission' ay buong kagalakang inanunsiyo ng bayani ng pandemya na agad umabot sa milyong views ang naibalik na Francis Leo Marcos business page kung kaya tiniyak niyang lalawig pa nang husto ang kanyang matutulungan sa pamamagitan ng kanyang platform sa social media.Pinaalalahanan din niya ang kanyang followers na huwag maniwala sa mga gumagamit ng pangalan niya at humihingi ng gcash numbers dahil siya mismo ang tatawag gamit ang account ni DJ Lemmor CreAtion kapag sila ay mapalad na mapili ora mismo.
Optimistiko ang promotor ng 'Mayaman Challenge' na sa lalong madaling panahon ay aabot sa multi- million views ang kanyang target para sa isang napakalaking desisyong kaiba sa nakasanayan pero tulad din ng adbokasiyang makapaglingkod pa sa Sambayanan.
FLM
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato