Isang hataw na lang para sa SEAG baseball gold... PILIPINAS NAUNGUSAN ANG THAILAND!

NAKATAYA ang unang tiket para sa gold medal,buong giting na nanindigan ang defending champion Philippine national men’s baseball team na manatiling walang bahid patungong finals matapos ungusan ang host Thailand 8-7 via extra inning sa tampok na bakbakan sa baseball event ng 33rd Southeast Asian Games Thailand 2025 sa Queen Sirikit Sports Center, Bangkok kahapon.

SPORTS

Ni Danny Simon

12/11/20252 min read

NAKATAYA ang unang tiket para sa gold medal,buong giting na nanindigan ang defending champion Philippine national men’s baseball team na manatiling walang bahid patungong finals matapos ungusan ang host Thailand 8-7 via extra inning sa tampok na bakbakan sa baseball event ng 33rd Southeast Asian Games Thailand 2025 sa Queen Sirikit Sports Center, Bangkok kahapon.

Matapos ang pagmasaker ng Pilipinas sa mga naunang biktimang Indonesia,Singapore, Malaysia at Vietnam, dumanas ng seryosong hatawan ang tropa ni Ph coach Orlando Binarao sa mortal na kalabang Thailand na pinalakas ng 8 Thai- Americans, kung saan ang panalo ng Pinoy batters ay nakamit pa sa extension.

Lamang ang Thais sa top ng extra 10tn inning,isang humaginit na clutch grounder sa third ang hinataw ni Erwin Bosito at lumikha ng throwing error ng Thai upang ang hit na iyon ang nag-uwi sa 2 Pinoy runners at makumpleto ang nakakamanghang pagbabalik para hablutin ang krusyal na panalo at maseguro ang isang puwesto para sa gold medal event ng top 2 teams sa naturang biennial sports meet sa Timog-Silangang Asya.

Agad lumamang ang Pinoy batters sa unang 3 innings 4-1 bago sinaklit ng Thais ang bentahe 5-4 pero sinagot ito ng Pilipinas sa nagpaulan ng 4 na runs habang umiskor lang ang host ng 2 sa ituktok ng 8th frame.

Ang wagi ay pinagsamang lakas ng pambato ng Philippinè team na binubuo nina Bosito,Joerend Altrejos,Mark John Philip Beronilla,Clarence Lyle Caasalan,Mar Joseph Carolino, Amoel de Guzman. Liam Alexei de Vera, Junmar Diarao, Francis Thomas Gonzaga, Cer Glo Corpido, Romeo Jasmin, Jr., Ferdinand Liguayan,Jr. ,Juan Pablo Macasaet, Mark Steve Manaig,James Vincent Nisnisan, Nigel Paule,Joshua Pineda,Samuel Renato, Jr.Razhley Santos, Kennedy Torres, at John Raymond Vargas.