Isang panalo na lang sa Growling Tigresses kontra NU Lady Bulldogs

Isang panalo na lang ang kailangan ng University of Santo Tomas para mawasak ang pitong-season na dominasyon ng National University sa UAAP Women's Basketball.

UAAP

11/30/20232 min read

Games Sunday

(Smart Araneta Coliseum)

8 a.m. – FEU-D vs UST (Boys)

10 a.m. – UPIS vs DLSZ (Boys)

12 noon – UST vs NU (Women’s Finals)

4 p.m. – DLSU vs UP (Men’s Finals)

Isang panalo na lang ang kailangan ng University of Santo Tomas para mawasak ang pitong-season na dominasyon ng National University sa UAAP Women's Basketball.

Ipinakita ng Growling Tigresses ang kanilang katatagan sa pang-apat, pinabagsak ang eight-peat-seeking Lady Bulldogs, 76-72, para masungkit ang Game One sa best-of-three UAAP Season 86 Finals Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.

Sasabak ang UST para sa kampeonato — ang una nito mula noong Season 69 (2006) sa ilalim ni coach Peque Tan — sa Linggo, 12 p.m., sa SMART Araneta Coliseum habang ang NU, na hindi nahuli sa Finals noong panahon ng pamumuno nito, ay bibira para makaamot ng do-or-die.

"So happy of course that finally, mayroon kaming panalo against NU which is most important because this is the championship series. Thank you sa mga girls they really worked hard for this until the last second na pwedeng humabol yung NU they keep their composure," sambit ni Growling Tigresses head coach Haydee Ong kung saan winarat ng UST ang 20-game skid laban sa defending champions.

Ang huling beses na nanalo ang Tigresses laban sa Lady Bulldogs ay noong Agosto 31, 2012 — isang 74-73 overtime na pananakop sa ikalawang round.

Sina Nikki Villasin, Tacky Tacatac, Kent Pastrana, at Brigette Santos ay nagsama-sama para sa Growling Tigresses upang iuwi ang dikit na 62-60 lead tungo sa 73-65 eight-point margin may 3:30 na lang.

Gayunpaman, nag-drain si Aloha Betanio ng three-pointer habang si Stef Berberabe ay nag-drill ng tatlo sa apat na free throws para hilahin ang Lady Bulldogs sa loob ng dalawa sa nalalabing 1:10.

Sinagot naman ni Rocel Dionisio ang UST ng isang bukas na maikling saksak sa loob ng swabeng hatag mula kay Pastrana may 54.6 segundo na lang, 75-71.

Matapos ang mintis ng magkabilang panig, na-foul si Angel Surada para sa NU ngunit hinati niya ang kanyang mga freebies, 72-75 sa nalalabing 19.9 segundo.

Pagkatapos isang mailap na mandato ng mga kaganapan ang umibabaw. Naagaw ng Lady Bulldogs ang inbound ng Growling Tigresses ngunit nabawi ito ni Santos para sa UST na may 6.5 ticks. EM

Iskor:

UST 76 – Pastrana 15, Tacatac 14, Ferrer 13, Santos 10, Villasin 10, Dionisio 6, Maglupay 4, Amatong 2, Serrano 0, Soriano 0, Ambos 0, Bron 0.

NU 72 – Clarin 18, Pingol 11, Berberabe 8, Konateh 8, Betanio 7, Cayabyab 5, Surada 5, Fabruada 4, Canuto 3, Solis 3.

Quarterscores: 20-12, 36-31, 54-51, 76-72