'Isapuso ang tungkulin', payo ni Sen. Bong Go sa mga panalo sa BSKE

NILIWANAG ni Senador Christopher "Bong" Go ang kahalagahan ng paggalang sa demokratikong proseso at boses ng mamamayan matapos ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kamakailan.

NEWS

Danny Simon

11/3/20231 min read

NILIWANAG ni Senador Christopher "Bong" Go ang kahalagahan ng paggalang sa demokratikong proseso at boses ng mamamayan matapos ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kamakailan.

Hinimok ni Go ang mga botante at ang mga bagong halal na opisyal na pahalagahan ang responsibilidad at pag-unawa na nauugnay sa pagboto.

Sinabi pa ng senador, ang resulta ng BSKE ay direktang repleksyon ng boses ng mga tao kaya bilang isang bansa, igalang at panindigan ang mga pinili ng ating kapwa Pilipino.

Binigyan-diin niya ang pagpili ng mga kandidatong may integridad, kakayahan, at tunay na pagnanais na pagsilbihan ang kanilang komunidad, lalo na ang mga kapos-palad at nangangailangan ng higit na atensyon ng gobyerno.

"Ngayong tapos na ang eleksyon, magkaisa tayo para sa ikabubuti ng ating mga komunidad. Sa mga nahalal ng taumbayan, isa-puso ang inyong gagampanang tungkulin at unahin ang kapakanan ng mga pinaka-nangangailangan," giit ni Go.

Ibinahagi ni Go ang kanyang saloobin sa pananagutan ng mga nahalal, sa pagsasabing, "Sa mga bagong halal na opisyal ng barangay at SK, tandaan na publiko ay nagtiwala sa iyo.

Sana ay lagi ninyong unahin ang kapakanan ng inyong mga nasasakupan, walang pag-asa at walang magawa, dahil ito ang esensya ng serbisyo publiko," dagdag pa niya.