IN GOD WE TRUST
ITS PAYBACK TIME SEN. IMEE SA TAONG TUMULONG SA IYO NOONG 2025 POLLS
BAGO ang midterm election 2025,may dalawang Marcos ang kumakampanya para Senador ng Republika.
OPINION
ni Danny Simon
2/26/20263 min read


BAGO ang midterm election 2025,may dalawang Marcos ang kumakampanya para Senador ng Republika.
Isa si reelectionist Senator Imee Marcos at ang tanyag na social media influencer na nakilala noong panahon ng covid -19 na tumulong sa mga nawalan ng kabuhayan noong pandemya, at humamon sa mga may kaya sa buhay na mas kilalang MAYAMAN challenge ang umarangkada..
Si Sen.Imee sa kasagsagan ng kampanya ay nasa labas ng magic 12 sa survey kaya kelangan nya ng lahat ng klaseng suporta upang umangat ang ranking sa pulso ng bayan at mare-elect kahit sa huling kabit ng dose per se.
Ang senatoriable noong si Francis Leo Marcos ay nasa distansiya pa kahit na meron siyang organic na milyones na boboto sa kanya.
Win or lose si FLM ay tanggap niya basta di tumalikod ang kanyang followers ay tagumpay na niyang maituturing.
Alam ni Sen.Imee noon na may isang Marcos na nanalo sa desisyong legal na isama na ang kanyang pangalan sa balota.
Hindi niya(Imee) dinideny noon ang isyung kamag - anak kay FLM patunay ito ng mga larawang kasama niya si dating First Lady Imelda maging si Senadora Imee mismo na nagkausap sila harapan sa hapunan sa isang restoran bago ang krusyal na sandali ng katotohanang halalan '25.
Isang supreme sacrifice ang dinesisyon ni FLM nang ipinahayag niya na di na siya tatakbo para di na magulo pa ang largahan at hayagan niyang tinaya ang baraha upang suportahan na lang ang kanyang tinatawag na 'Manang Imee' kasabay ng recorded niyang panawagan sa milyones niyang organic followers na suportahan si Senadora Marcos.
Ang higpit ng bakbakang ga-buhok sa slots 11, 12 at 13.
Tanggapin man niya at ng pamilya o hindi, instrumental ang pag-swing ng FLM votes sa pagpasok sa winning 12 ni Manang Imee.
Ngayon ay isa siya sa mga astig na Senator ng 20th Congress habang nanatiling socmed influencer at humanitarian advocate si FLM.
May mga masamang elementong galit sa ginagawang pagtulong ng batang Marcos sa mga nasa laylayan ng lipunan na di mataruk ang dahilan, Naroong lapastanganin ang kanyang pagkatao tulad ng pagkenkoy sa kanyang larawan na kung anu-anong imaheng panirang- puri pero di naman ito pinalalagpas ni FLM nang nakatayo lang. Need din silang resbakan.
SInabihan pa ng otoridad na simbolo siya ng kawalanghiyaan gayong di naman siya nagnakaw ng kaban ng bayan ,di pumaslang ng tao ,lalong di siya adik na namerwisyo ng mga tao, di siya nanghulidap o nanortyur ng inosente.
Ang nangyaring pag-aresto kay FLM ay pagpapakita ng kahinaan ng otoridad partikular sa pagtrato sa kanyang karapatang pantao. Mas pinanigan ang mga elementong GAGO sa lipunan at ang mga nauto ng ogags na lespu sa pagtatanim-kaso upang madiin si FLM pero matatag pa sa moog ang kanilang dinudurog.
Hindi aamot ng tulong si FLM kahit kanino, kaya niyang resolbahin ang katiting na kasong ipinagbunyi ng mga kampon ni taning sa socmed (ma-lockjaw sana sa kakahalakhak ).
Pero tiyak na di lingid sa Senadora ang ginawang kagaguhan ng mga buwitre sa ere pati ng otoridad na kasapakat ng sinomang nasa likod ng kahunghangan hindi namsn national issue.
Imagine,unjust vexation lang ang reklamo at tinataniman pa ng kaso ay may press conference na agad nakahanda para ang bayani ng pandemya na layong ipahiya sa madla.( Lalo lang tumibay ang pagiging national figure ni FLM)
Isang wasiwas lang ng iyong magic wand Manang Senadora ay titigil tiyak ang nasa kapangyarihang wala sa hulog at inuto ng mga gago sa mundo ng social media ang kabsat na tumulong sa iyo kahit di mo aminin.
Tutal ay isa kang lawmaker , gumawa kayo ng batas na naglalayong matigil na ang garapalan sa socmed.Kahit sino na lang ay puwedeng siraan ang sino man dulot ng likot ng isip at 'alang hiya sa teknolohiya pero kahit anong gawin nila ay di kayang gapiin ng tropang 'taning ang alagad ng kabutihan. Isang matinding batas at angkop na parusa Manang Senadora ang pipigil sa pamimyesta ng mga peste sa social media.Sa ganyang malasakit sa mamamayang sinisira at inaalipusta ng mga balahura ay matuturing nang payback time mo kay Francis Leo kung nasaang trono ka ngayon. Lahat ng kawalanghiyaan ng tao sa tao..
'IMEEsolusyon diyan.. ABANGAN!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
