James Padua umalagwa sa Marikina Rapid Chess Championship
Nanguna si James Padua sa pamamagitan ng tiebreak sa Barangka Rapid Chess Tournament na ginanap sa covered court ng Barangka Elementary School sa Marikina City noong Linggo.
SPORTS
9/8/20251 min read


Nanguna si James Padua sa pamamagitan ng tiebreak sa Barangka Rapid Chess Tournament na ginanap sa covered court ng Barangka Elementary School sa Marikina City noong Linggo.
Si Padua, ay nakatabla sa unang pwesto kasama si John Narito na may tig-6.0 puntos sa 15 minuto at dagdag na 5 segundo bawat tira na time control event na inorganisa ng Barangka Chess Club sa pangunguna ng presidente nitong si Restie Roxas sa pakikipagtulungan kay Marikina Chess Association President at Sportsman Johnny "Joel" Gaudia.
Dahil sa pinakamataas na tiebreak points, nakuha ni Padua ang titulo habang pumangalawa si Narito. Nagtapos si Anthony Avellaneda sa torneo na may 5.5 puntos para sa solong ikatlong pwesto.
Ang bumuo sa top 10 ay sina Magnus Bragais (ika-4), John Poquiz (ika-5), James Vito (ika-6), Anthony Libramonte (ika-7), Lohan Yauder (ika-8), Diosado Balanlay (ika-9) at Warren Pajo (ika-10).
Ang mga nagwagi sa kategorya ay sina Simone Esperanza (Top Lady), Diosdado Balanlay (Top Barangka), Magnus Braguis (Top Kiddie), Light Maranan (Top 2 Kiddie), Prince Cuario, (Top 3 Kiddie), Jeremy Esperanza (Top Lady Kiddie) at John Basiya (Top Barangka Kiddie).
Nauna rito, ang Presidente ng Marikina Chess Association at Sportsman na si Johnny "Joel" Baylon Gaudia at ang Barangay Barangka SK chairwoman na si Nyra Alyza Calalin Centeno ang gumawa ng ceremonial moves na nagpasimula sa isang araw na event na dinaluhan din ni Pastor Ranier Bonoan Pascual.-DANNY SIMON
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato