JBOX QUEEN FVG IMELDA PAPIN AT LOYALISTA BIDA SA USAPANG GILAS
BINIGYANG - nìngning ng pagbisita ng dating juke box queen, music icon at former Vice Governor ng Bicol na si Imelda Papin sa 'Usapang Gilas' special segment na handog nina Gilas News top brass Gov. Rafael Agcaoili at Editor - in - Chief Dani Simon kahapon sa Gilas News - CLR 45 broadcast studio sa Sucat Parañaque City.
SHOWBIZ
Danny Simon
11/24/20233 min read


BINIGYANG - nìngning ng pagbisita ng dating juke box queen, music icon at former Vice Governor ng Bicol na si Imelda Papin sa 'Usapang Gilas' special segment na handog nina Gilas News top brass Gov. Rafael Agcaoili at Editor - in - Chief Dani Simon kahapon sa Gilas News - CLR 45 broadcast studio sa Sucat Parañaque City.
Ang naturang premyadong singer sa bansa na nagpasikat ng mga klasikong awit na 'Bakit' , Isang Linggong Pag-Ibig at iba pa ay nagpahayag ng kanyang mga makabuluhang aktibidad na pinagkakaabalahan sa kasalukuyan, personal at ang patuloy niyang paglilingkod sa kababayan partikular sa Kabikulan bagama't pansamantala ay wala muna siya sa poder.
Kanya ring iprinisenta sa media ang ipino-promote niyang pelikulang LOYALISTA - The Untold Story of Imelda Papin na halaw sa naging buhay niya at paglilingkod ng tapat sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (SLN).
Ang kanyang pagiging loyalista aniya ay di matatawaran hanggang sa Hawaii exile ng dating dakilang pangulo ay kasama siya at kakampi thru thick and thin.
Kaya't isang makasaysayan, kapupulutan ng aral at tunay na emosyonal na dapat na di palagpasin ang pagkakataong panoorin ang makabuluhang pelikula sa derihe ng batikang si Gabby Ramos sa timon ng Queenstar Film Production.
Mga batikan at prized actor and actresses ang nagbigay - buhay sa historic flick LOYALISTA -The Untold Story of Imelda Papin.'
Interview kay juke box queen, music icon and Bicol ex- Vice Gov. Imelda Papin sa Usapang Gilas with CLR 45 Gov Rafael Agcaoili. (Kuha ni Atty. ML)


Naghandog ng kanyang klasikong awitin sa harap ng Eagles Club member and officers si legendary music superstar/ public servant former Bicol Vice Gov Imelda Papin sa kanyang pagbisita sa CLR 45 Sucat office na pinamumunuan ni Gov. Rafael Agcaoili. (Kuha ni Te Mitz Sunico)


Ang Marcos first couple ay binigyang buhay nina George 'ER' Ejercito Estregan at Alice Dixzon kabituin ang big names sa pinilakang -tabing na sina Gary Estrada at Claudine Baretto habang ipinapakilala dito si Maffi Papin Carrion.
Espesyal din ang partisipasyon nina Aileen Papin, Gloria Papin, Bluemark, Zac Papin at Kanisha Santos gayundin si Lheng Divinagracia Gonzales sa papel na Board Member.
" Iniimbitahan po natin ang sambayanan na tunghayan ang pelikulang kapupulutan ng aral at rebelasyon ng mga tunay na pangyayari noon na dito pa lang malalaman ng madla", paanyaya ng dating bise gobernador ng Bicol na si Papin.
Pinapurihan din ng public servant par excellence ang kabutihang ginagawa ni CLR45 Governor at GIBFI chairman Rafael Agcaoili thru socio civic services tulad ng libreng konsulta, gamot, pagkain, sa kanilang medical missions na umaabot hanggang sa mga liblib na kanayunang di naaabot ng pamahalaang lokal at nasyunal.
" Truly deserving po kayo kuya Gov sa mga gawad parangal di lamang dito sa bansa kundi pati na sa prestihiyosong award giving body mula United Nations bilang Humanitarian Ambassador Excellence at Philantropist Awardee na kauna-unahang gawad sa Pilipino", ani pa Papin.
Simula't-sapul ay gawain na ito ni Gov. Agcaoili.. ang maglingkod sa kapwa ..BAKIT? Pasalamat niya sa Diyos sa mga biyayang nakakamit sa buhay na marapat lang niyang i- share sa less fortunate nating kapwa. Mabuhay si GOV at si VICE GOV!!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato