JC2 ARCHITECTURE SLASHERS DINOMINA ANG GROUP B SA IFBL

WINALIS ng powerhouse JC2 Architecture Slashers ang Group B matapos tambakan ang Team Blindz , 112-75 sa pagpapatuloy ng International Friendship Basketball League U-5'10" Recreational sa New Manila Gym sa Quezon City kahapon.

SPORTS

DAS

7/20/20241 min read

WINALIS ng powerhouse JC2 Architecture Slashers ang Group B matapos tambakan ang Team Blindz , 112-75 sa pagpapatuloy ng International Friendship Basketball League U-5'10" Recreational sa New Manila Gym sa Quezon City kahapon.

Ang pagdomina ng tropang JC2 ay pinaramdam na sa first hakf pa lang sa paglagablab ng kanilang opensa sa second quarter upang dumistansya ng 30 puntos at di na lumingon pa hanggang pagtunog ng buzzer para sa 5-0 kartada at mangibabaw sa kanilang dibisyon.

Pasimuno sa Mac Santiago para sa Slashers sa kanyang pagbaon sa Blindz upang tanghaling 360 Best Player of the Game( 24 points, 8 rebs at 3 assists).

Kaagapay ni Santiago sina Alain Bardina na tumikada ng 14 puntos habang 12 naman ang ambag ni Philip Palmenco upang iangat ang tropang arkitekto sa pinakamataas na gusali ng kartada.

Nanindigan naman sina Dembo Jereza na kumamada ng 23 at Thirby Quinones na may double-double 21 pts at 12 rebs pero di naging sapat upang isalba ang Blindz sa pagdausdos pa sa kulelat na tayo sa kanilang winless record na 0-5.

"Hats off sa ating Slashers mula coaching staff hanggang sa ating players na namamayagpag sa liga.I hope tuluy-tuloy ang ating winning tradition," wika ni JC2 Architecture Slashers team owner Arch. Jayzee Gudelano Celestial. DAS