JC2 SLASHERS PUNTIRYA ANG KAZZE LEAGUE BASKETBALL CROWN SA QC

PUSPUSAN ang preparasyon ng koponang JC2 Slashers para sa nakatakdang KAZZE League no-more-tomorrow one game championship kontra Bimbo Elite sa Mayo 7 na gaganapin sa Bagumbuhay Gym, Project 4 sa Quezon City.

SPORTS

Danny Simon

5/3/20241 min read

PUSPUSAN ang preparasyon ng koponang JC2 Slashers para sa nakatakdang KAZZE League no-more-tomorrow one game championship kontra Bimbo Elite sa Mayo 7 na gaganapin sa Bagumbuhay Gym, Project 4 sa Quezon City.

Ang bakbakang JC2 at Bimbo Elite ay inaasahang dadagsain ng basketball enthusiasts sa lungsod dahil na rin sa kalidad ng laro at ang mga manlalaro ay binubuo ng mga batikan sa commercial cage leagues sa Metro Manila.

" Malakas ang kalaban pero kayang tapatan ng man -to-man.Wish ko makatulong sa aking team na manalo ng kampeonato at determinado ang teammates ko sa timon ng aming batikan na coach Anzai at todo -suporta ni Sir Arki Jayzee Celestial" , wika ni MVP player sa United Kingdom Pinoy at Open League sa London na si Joeward Gayas Jamil.

Ang winner-take -all commercial basketball finals ay itinuturing na slight favorite ang Jamil-led JC2 Slashers kontra Mapanao-Litonhua-Arcusa triumvirate ng Bimbo Elite.

" Optimistiko ako sa mga manlalaro natin na ibubuhos ang best para sa titulo sa mahusay na giya ng coach Anzai," sambit naman ni team owner Celestial sa kanyang koponang backed up ng JC Architecture-Design & Build.

Coach Anzai