JC2 SLASHERS READY VS BIÑAN SA SÌNAG@40

MARUBDOB ang paghahanda ng namamayagpag na koponang JC2 Slashers kontra susunod na kalabang Biñan sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Asya Lakas Kuwarenta.

SPORTS

Danny Simon

4/29/20241 min read

MARUBDOB ang paghahanda ng namamayagpag na koponang JC2 Slashers kontra susunod na kalabang Biñan sa pagpapatuloy ng Sinag Liga Asya Lakas Kuwarenta.

Sinabi ng frontliner ng koponang pag-aari ni Ar Jayzee Gudelano Celestial ,na si Joeward Gayas Jamil na determinado siya at ang buong tropa sa timon ni Coach Anzai na tapatan ang mapanganib na koponan mula sa Laguna man-to-man.

"Okey na ang pakiramdam ko na na- injure slightly last game. 100% na tayo at gusto kong makatulong sa team to win kontra Biñan tomorrow sa Southmall Gym," wika ng JPS back-to-back MVP at 2x Champion ng ligang Pinoy na Kampi Basketball United Kingdom Super League na si Jamil.

Si Jamil ang nagpasiklab sa kanilang unang panalo sa Sinag kontra GDL Construction na nasundan pa ng wagi kontra FFE FireExtinguishers.

"Our JC2 slashers are on a roll. Di ko expect na ganito kataas ang adrenaline nilang manalo at salamat sa mahusay na timon ni coach Anzai. Go JC2 Slashers!",sambit ng pinuno ng JC2 Architecture - Design and Build.

Katuwang ni Jamil sa both ends ng hard court sina Daniel Martinez,Jerry Sison,Mark Cassanova,John Ross de la Cruz, Donie Cruz, Arvin Sanoy, Ali Lozano, Jhun Elorza, Geof Gonzales, Amel Filon,Noel Baltazar at Anthony Cuevas.