JC2 SLASHERS TINUPOK ANG FIREFIGHTERS SA SINAG LAKAS@40

MATATAG na hinawakan ng JC2 Construction Slashers ang bentahe upang ipreserba ang panalo kontra FFP Firefighters, 77-72 sa pagpapatuloy ng SINAG LIGA ASYA LAKAS KWARENTA sa SM Southmall Gym kamakalawa sa Las Piñas City.

SPORTS

Danny Simon

4/26/20242 min read

MATATAG na hinawakan ng JC2 Construction Slashers ang bentahe upang ipreserba ang panalo kontra FFP Firefighters,77-72 sa pagpapatuloy ng SINAG LIGA ASYA LAKAS KWARENTA sa SM Southmall Gym kamakalawa sa Las Piñas City.

Hindi naging madali para sa tropa ni Ar Jayzee Gudelano Celestial ang pag-apula ng apoy ng palaban na kalaban partikular sa endgame kung saan situationer na ang nagpanalo na ikalawang sunod nila sa Sinag Liga Asia eliminations.

Inilatag ni Slashers coach Anzai ang mainit na opensa at malagkit na depensa sa krusyal na sandali ng bakbakan para ipreserba ang kanilang back-to-back na panalo(2-0).

Bagama't kalat ang produksiyon, topscorer si Geoff Gonzales sa kanyang 22-point production kasunod si Umbrrt Rubio( 12) at ang leadplayer na si Joeward Jamil na na-injure sa unang quarter pero nag-deliver pa sa pinaka-krusyal na bahagi kung saan bawat puntos ay napakahalaga sa crunchtime sa kanyang ambag pa rin na 11 points at ang mga pampanalong moves nito sa steal at assist department.

JC2 Team top brass Ar Jayzee Celestial

"Big D is the key. All praises tayo sa 'ting mga players na di bumigay under pressure, go Slashers!," wika ni coach Anzai kasabay ng pasasalamat sa todo- suporta ni Ar Jayzee Celestial .

Ang iba pang pambatong players ng Slashers ay sina Daniel Martinez, Carmelito Javier ,Jerry Sison,Mark Cssanova,Erwin Batac, Demie Cruz,Jay Valde z,Arvin Sanoy, Ray Manzon, Christian Cayabyab, Jhun Elorza at Amel Fillon.

Ang JC2 Architect Studio ay isa sa mga nangungunang design and build firn sa bansa na nakapagtayo na ng mga landmark na istruktura at imprastraktura na malaking bahagi ng revenues ay nakatutulong sa ekonomya at nakapagbibigay pa ng trabaho sa mga Pilipino kung kaya naging adbokasiya ang makatulong sa mabuting programang pang livelihood at sa sports sa kabataan at kababayan ayon kay Architect Celestial.

Coach Anzai