Jhazmin Joson rampador ng Lady Eagles vs Lady Falcons, 69-61
Ginatilyo ni Jhazmin Joson ang season-high na 32 puntos para ayudahan ang Ateneo de Manila University para abatan ang matamlay nitong unang kalahati at alisin ang isa sa mga humahabol para sa Final Four spot ang Adamson University, 69-61, Miyerkules sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena.
UAAP
11/9/20232 min read


Games Saturday
(Smart Araneta Coliseum)
9 a.m. – UP vs DLSU (Women)
11 a.m. – NU vs UE (Women)
2 p.m. – UP vs FEU (Men)
4 p.m. – NU vs UST (Men)
Ginatilyo ni Jhazmin Joson ang season-high na 32 puntos para ayudahan ang Ateneo de Manila University para abatan ang matamlay nitong unang kalahati at alisin ang isa sa mga humahabol para sa Final Four spot ang Adamson University, 69-61, Miyerkules sa UAAP Season 86 Women's Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena.
Si Joson, ang 24-anyos na graduating guard, ay may 32 puntos kabilang ang walong tres na may limang rebounds, limang assist, isang steal, at isang block sa loob ng 37 minuto at 15 segundo ng aksyon. Si Joson, kasama sina Dela Rosa at Luisa San Juan ng La Salle ay dating hawak ang season-high sa mga puntos na naitala na may tig-29 puntos sa magkaibang pagkakataon.
Ito ay sa unang kalahati na siya ay gumawa ng kanyang marka, pinapanatili ang Blue Eagles sa laro na may 23 puntos sa pitong tres, upang makapasok sa kalahati na naiwan ng tatlo lamang, 35-38.
"Nagstart yung game Jhaz was the only one who had the energy. She bailed us out. If wala si Jhaz nung first half, tambak agad kami, and mahirap bumalik especially against a good team like Adamson" sabi ni Ateneo lead deputy Bacon Austria.
"It was really just taking advantage of that defense. I mean if they weren't adjusting so I might as well take advantage," pakli naman Joson sa kanyang performance.
Ang frontcourt players ng Ateneo, sina Kacey Dela Rosa at Sarah Makanjuola, ang gumawa ng mga kinakailangang basket para hindi makaeskapo ang Adamson.
Matapos ang back-to-back triples ng Lady Falcons para hatiin ang kanilang deficit sa tatlo na lang, sinagot nina Dela Rosa at Makanjuola ang anim na puntos para magtayo ng pitong puntos na kalamangan sa 2:11 na lang. EM
Iskor:
Ateneo 69 – Joson 32, Dela Rosa 17, Makanjoula 10, Calago 6, Solis 3, Villacruz 1, Eufemanio 0, Cancio 0, Gastador 0.
AdU 61 – Apag 18, Etang 11, Adeshina 10, Limbago 8, Dampios 6, Alaba 3, Agojo 2, Padilla 2, Bajo 1, Cortez 0, Dumelod 0, Meniano 0.
Quarterscores: 14-18, 35-38, 51-47, 69-61
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato