Joeward Gayas Jamil.. PAKITANG GILAS SA SINAG LAKAS@40
JOEWARD Gayas Jamil is in town.
SPORTS
Danny Simon
4/24/20242 min read
JOEWARD Gayas Jamil is in town.
Ang prolific pointguard-playmaker - long distance shooter par excellence noong peak ng paglalaro niya sa kanyang alma mater Rizal Technological University(RTU) ,Wang's Bàllclub at iba pang commercial cage leagues sa bansa na isang prized catch sana sa pro league partikular sa PBA kundi ito inagaw ng greener pasture na trabaho sa United Kingdom,ay naka-bakasyon sa bansa na matagal rin niyang inasam.
Sa ini-enjoy niyang reunion sa kanyang pamilya, kamag-anak, tropa, kabasketbolan ay tunay na presyoso at sulit ito para kay Jamil.
Saktong nag-bukas ang panibagong conference ng patok na SinagLigaAsya Lakas 40 ay kinuha ng JC2/ Sealions ang kanyang serbisyo na makalaro sa koponan nina Ryan Lorenzana Limlingan at Jemuel Laron at reunited siya sa mga dati niyang kadribol na sina Pat Santos at Demi Michael Caneba.
Dahilan sa praktisado rin sa London ang Davaoeñong si JGJ na nakikipagsabayan at nasasapawan ang mga mas malalaking kalaban na pinahanga niya sa kanyang estilo ng laro at laging may individual award sa mga liga doon ay hindi nangapa at kundisyon siya sa laro sa Sinag.
Napahanga ni Jamil ang crowd maging mga kalaban at kakampi pati panelists dahil full tank ang kanyang pagpapakitang-gilas mula sa kanyang pagiging asintado sa rainbow territory,orchestrating,assists ,slashing pati rebound department katuwang ang katropang si Anthony Cuevas kung kaya malaki ang naitulong niya sa pagposte ng buwenamanong panalo ng team 79-73 kontra GDL Construction sa SM Southmall Gym.
Ang mild-mannered hitman clutchshooter mula UK na si Jamil ay all praises sa mga nakasaksi sa spitfires nito na anila'y swak na swak pa ang kanyang estilo sa mga aktibo at de- kalibreng manlalaro dito sa baskebol nation.
Basketball is life for Joe Ward pero pagbalik niya sa UK ,pastime na lang niya ang laro at ang pagpapalago ng estado niya sa pamumuhay na tunay namang mahirap makamtan sa sariling bayan.






" Sulit ang bakasyon ko.salamat sa mainit na pagtanggap ng ating mga dating kadribolan sa hardcourt,ang gagaling pa rin nila,nakapagpapawis din with ageless bos Alex Wang na parang reunion din ng mga Wednesday at Saturday Club sa Aquinas Gym at sa buong basketball community kaya payo ko sa mga batang manlalaro na never stop reaching for the star.This sport will help you succeed in future endeavours,"pahayag ni Jamil 'the Windmill'.


Reunited si Joward Jamil sa kanyang manager, coach, player Alex Wang, team owner ng Wang's Basketball, sa kanilang scrimmages sa Aquinas Gym sa San Juan City.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato