IN GOD WE TRUST

JONAS MAGPANTAY NG PILIPINAS HARI NG JAKARTA UNIVERSAL OPEN POOL

NAGHARI ang Pilipinong pambatong bilyarista na si Jonas Magpantay matapos durugin ang Taiwanese na si Chang Sheng Yi, 13-5, upang makuha ang titulo at maibulsa ang premyong halagang $15,000 para sa kanyang kauna-unahang titulo sa WNT sa pagtatapos ng 2026 Universal Open Pool Championship na ginanap Linggo ng gabi ,Hunyo 28, 2026 sa Pluit Village Mall sa Jakarta, Indonesia.

SPORTS

Ni Danny Simon

6/29/20261 min read

NAGHARI ang Pilipinong pambatong bilyarista na si Jonas Magpantay matapos durugin ang Taiwanese na si Chang Sheng Yi, 13-5, upang makuha ang titulo at maibulsa ang premyong halagang $15,000 para sa kanyang kauna-unahang titulo sa WNT sa pagtatapos ng 2026 Universal Open Pool Championship na ginanap Linggo ng gabi ,Hunyo 28, 2026 sa Pluit Village Mall sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay isang malaking tulong para sa tinaguriang "Silent Killer" habang naghahanda na siya para sa Stage 2 ng Asian Pool Championship na nakatakdang gaganapin mula Hulyo 10 hanggang 15 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nagkaroon ng maagang lead si Chang sa iskor na 2-0, ngunit tumugon agad si Magpantay sa pamamagitan ng pagtama ng anim na sunod-sunod na rack upang makontrol ang laro sa iskor na 6-2. Mula noon, pinanatili ni Magpantay ang kanyang kalamangan sa pamamagitan ng mahusay na pagtama ng bola at matatag na depensa.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang manlalaro na mahilig sa opensang laro na si Chang, ngunit ilang beses siyang nakaligtaan ang tamang pagtama at nagkaroon ng pagkakamali sa pagtumbok ng bola, na naging dahilan upang hindi niya magamit nang maayos ang kanyang mga pagkakataon.

"Gusto kong ialay ang aking tagumpay sa aking pamilya, aking mga kaibigan, aking mga sponsor, aking bansa at sa Diyos," ani Magpantay, na pride ng Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City at Bansud, Oriental Mindoro na kanyang balwarte.

"Binabati natin ang Pilipinong kampeon ng bilyar na si Jonas Magpantay para sa isang dambuhalang tagumpay sa mataas na antas ng larangan sa mundo," wika ni GAB Chairman Atty. Francisco J. Rivera.

Samantala, nakatakda nang makipaglaban si Magpantay sa Asian Pool Championship na gaganapin mula Hulyo 10 hanggang 15 sa Ho Chi Minh City, Vietnam at hangad niyang makakuha ng mula sa Philippine Sports Commission, sa Philippine Olympic Committee at sa kanilang NSA sa billiards.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...