JONES HUMANITARIAN MISSION NG CLR 45-TFOE/ GIBFI SA ISABELA KASADO NA
LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng kauna-unahang higanteng humanitarian mission sa Norte ng bansa na ikakasa ng CLR 45- The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Inc. at Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. sa pamumuno ni Governor/ Chairman Rafael Agcaoili.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
7/15/20243 min read


LARGA na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng kauna-unahang higanteng humanitarian mission sa Norte ng bansa na ikakasa ng CLR 45- The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Inc. at Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. sa pamumuno ni Governor/Chairman Rafael Agcaoili.
Ang naturang magiging markadong kaganapan ay naiselyo sa pag-courtesy call ni dating Jones Sangguniang Bayan member JR ' Barbas' Vallejo sa tanggapan ng CLR 45 / GIBFI Gov./ Chair. Agcaoili kamakailan.
SI dating Municipality of Jones SB member (Coun.) JR 'Barbas' Vallejo sa kanyang courtesy call kay CLR 45 -TFOE/ GIBFI Gov./Chairman Rafael Agcaoli kamakailan sa Sucat, Parañaque City kaugnay nang ikinasang Humanitarian Mission( Medical at Feeding program) sa Jones, Isabela sa susunod na buwan ng Agosto.




"Isang di masusukat na kagalakan ang aking nadarama dahil matutupad na rin ang tampok sa aking mithiing mapaglingkuran ang aking mga kababayan sa Jones sa lalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng misyong humanitarian na medical at feeding program na iko-conduct ng ating mga KUYA sa Eagles sa pamumuno ni Governor Agcaoili na mapaglilingkuran mula bata, adults, senior citizens sa pamamagitan ng libreng check-up ng mga dalubhasang doktor, pamigay na gamot na angkop sa pasyente at feeding sa mga bata na inaasahang dadagsa sa isang araw na misyon sa aking mahal na bayan," wika ni former SB 'Barbas na subok na sa paglilingkod sa kababayan nasa katungkulan man o abala sa mga gawaing serbisyong bayan sa kanyang pribadong kakayahan.
" It's all systems go para sa pagdaraos ng ating ikinasa nang medical mission/ feeding program sa bayan ng Jones, lalawigan ng Isabela na kahit gaano kalayo ay ating mararating mapagsilbihan lang ang mga kababayan natin. Sa ating pakikipag-ugnayan sa Provincial LGU ay nakatitiyak na tayo ng isang matagumpay na adbokasiya sa lalawigan sa pamumuno doon ni former SB (Councilor) Kuya JR ' Barbas' Vallejo na isang taal na Eagle na lingkod-bayan kaagapay ang lahat ng KUYA sa kanyang balwarte", pahayag naman ni Humantarian champion (natatanging Pilipino na ginawaran ng kaukulang pagkilala ng United Nations dahil sa pagtulong niya sa mga kababayan ng walang hangad na kapalit at bukal sa kalooban).
Ang Jones, Isabela Medical Mission-Feeding Program ay itinakda sa huling linggo ng susunod na buwan ng Agosto kung kaya ngayon pa lang ay simula na ng komprehebsibong preparasyon para sa higante at makataong kaganapan tulad ng mga nairaos na sa lalawigan ng Abra (apektado ng mapaminsalang lindol), Mangatarem Pangasinan, Comillas, La Paz, Tarlac, San Pablo City, mga Distrito sa Kamaynilaan, Passi City at San Enrique sa Iloilo, Roxas, Bacolod, Talisay at iba pa pati na ang mga nakaplanong misyon sa Kamindanaoan.












Dagsa ang libu-libong residenteng nabiyayaan ng medical at feeding program sa pinakamalaking humanitarian mission na isinagawa ng CLR 45/GIBFI sa pamumuno ni Governor/ Chairman Rafael Agcaoili para sa mga apektado ng mapaminsalang lindol sa Abra.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato